PINAMUNUAN nina Jovie Prado at Jonah Sabete ang opensiba ng Sta Lucia upang ipahiya ang top seed Chery Tiggo,25-20,25-12,24-26,21-25,15-10, sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center.
Ang Lady Realtors ay nagtala ng two-set lead matapos ang 20- minutong weather delay bago ang third set pero agad rumespondi sina Sabete at Prado sa decider para sa 12-8 lead.
Tinapyas ng Crossovers ang deficit sa dalawa, 10-12, pero nagkamali si Tina Salak at back-to-back blocks mula kay MJ Phillips at Dell Palomata para silyuhan ng Sta Lucia ang kanilang unang winning streak sa conference.
Tumipa si Phillips ng 16 kills,five blocks at two aces para sa game-high 23 points. habang si Prado nagdagdag ng 19 points,14 digs at 13 excellent receptions, Sabete bumakas ng 18 markers at 12 excellent receptions.
Ang Sta Lucia ay naglaro na insperado mula ng pumasok ang kanilang team manager Buddy Encarnado sa bubble nitong Lunes,nagwagi ng back-to-back games para umangat sa 3-3 record sa sixth place.
Ang Chery Tiggo ay bumagsak sa fourth spot 3-2 record.
Manabat nagtapos sa 19 kills para sa 20 points, Jaja nag-ambag ng 14 points, habang si Austero nagdag ng eight points para sa Sta Lucia.
The post PVL: Sta Lucia minaso ang Chery Tiggo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: