Facebook

Jail guard at preso patay sa Covid-19

CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-lockdown ng dalawang linggo ang pasilidad ng BJMP na pinagmulan ng isang jail officer at person deprived from liberty (PDL) na nasawi sa Covid-19 sa Barangay Pinatilan, Valencia City, Bukidnon.

Inihayag ni Valencia City Vice Mayor Dr. Pol Murillo na unang namatay ang isang preso at nasundan ito ng jail guard sa loob lamang ng linggong ito.

Sinabi ni Murillo na mula sa higit 300 inmates na naka-house sa jail facility ay nasa 82 pang preso ang nagpositibo at mahigpit na tinutukan ng kanilang health officials.

Kaugnay nito, inaalam pa ng city government kung bakit at paano napasukan ng virus ang bilangguan na matagal nang ipinagbawal ang mga pagdalaw ng mga kapamilya sa mga bilanggo.

The post Jail guard at preso patay sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jail guard at preso patay sa Covid-19 Jail guard at preso patay sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.