Facebook

Isnatser nahuli-cam sa CCTV ng barangay, huli nang mapadaan sa Bgy. Hall

TIMBOG ang isang lalaki na sangkot sa mga serye ng snatching sa Sampaloc, Maynila nang dumaan malapit sa barangay hall.

Kinilala ang isnatser na si Rolan Jay Aquino.

Ang isnatser ay sinubaybayan ng mga tanod habang mino-monitor sa CCTV.

Sa ulat, nahuli-cam sa CCTV ng Barangay 453 sa Sampaloc ang paghablot ng isnatser na nakamotsiklo sa clutch bag ng isang senior citizen 8:00 ng umaga nitong Martes.

Nakapagsumbong agad ang senior citizen sa Barangay Hall, kaya pinanood sa CCTV ang isnatser at sinundan ang kaniyang mga dinaanan.

Maya-maya pa, napadaan ang isnatser malapit mismo sa barangay hall kaya dali-daling lumabas ang operator ng CCTV at nagtawag ng mga tanod at hinabol ang isnatser at nadakip.

“Binangga namin ng tricycle, natumba siya. Mambibiktima pa ‘yun kaya binangga namin. Nagpambuno na kami, malakas po, apat po kami, halos mabuwag po kami,” sabi ni Paul Dacles, tanod ng Bgy. 453.

Dinala ng barangay ang isnatser sa Sampaloc Police na sugat-sugat na ang ulo.

Napag-alaman ng pulisya na si Aquino rin ang nambiktima sa 50-anyos na ginang noong isang araw sa Sampaloc din.

Sinabi ng dumakip na barangay tanod na may tatlo pang nagpa-blotter sa kanila na biniktima rin ni Aquino.

Nanawagan ang pulisya sa iba pang nabiktima ni Aquino na magtungo sa Sampaloc Police Station para magsampa ng reklamo.

The post Isnatser nahuli-cam sa CCTV ng barangay, huli nang mapadaan sa Bgy. Hall appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isnatser nahuli-cam sa CCTV ng barangay, huli nang mapadaan sa Bgy. Hall Isnatser nahuli-cam sa CCTV ng barangay, huli nang mapadaan sa Bgy. Hall Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.