Facebook

Ilang bars sa Makati na nagkukunwaring sarado buking

PARTIKULAR na tinututukan ng Makati City government ang mga bar sa lungsod dahil base sa IATF, ang puwede lang na mag-operate ngayon ay mga restaurant at hindi ang mga inuman.

Maraming bar ngayon ang sarado dahil sa pandemya.

Pero may istilo ang mga bar sa Makati na nagpapanggap na sarado pero may operasyon sa loob.

Nasa mahigit 20 bars na ang kanilang naipasara dahil sa paglabag sa mass gathering.

Noong Sabado lang, isang bar na iligal na nag-o-operate ang nabuking, kungsaan 24 ang naaresto, at 22 sa kanila Chinese.

Maraming bar owners ang nakiusap dahil malaki na ang lugi nila pero hindi naman daw puwede ikompromiso ang kalusugan ng nakararami.

“We just have to follow the law. Hindi naman ‘to iniisip ng city eh, eto ay based sa science din,” ani Claro Certeza, city administrator ng Makati City.

The post Ilang bars sa Makati na nagkukunwaring sarado buking appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ilang bars sa Makati na nagkukunwaring sarado buking Ilang bars sa Makati na nagkukunwaring sarado buking Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.