Facebook

Retired na sundalo patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor

Isabela – Nasawi ang isang retiradong sundalo at tatlo ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Daang Maharlika sa bahagi ng Barangay Maligaya, Tunauini dito sa lalawigan.

Kinilala ang nasawi na si Magno Asingan, 58 anyos, may asawa, retiradong sundalo, driver ng isa sa sangkot na motorsiklo at residente ng naturang lugar.

Habang sugatan naman ang driver ng nakasalpukan na motorsiklo na si Private Fisrt Class Sherwin Ford Lingbawan, 25; at ang angkas nila na sina Jay-ar Bulauan, 32, may-asawa, ng San Mateo, Tumauini; at Fely Entera, 25, ng Alibagu, City of Ilagan.

Sa ulat, sabay na nag-overtake ang dalawang nagsalpukan motorsiklo sa kanilang sinusundang isa pang sasakyan nang kapwa nabulaga ang dalawang motorsiklo kaya hindi na ito nakabalik sa kanilang mga linya at nagyari ang aksidente na ikinasawi ng retiradong sundalo. (Rey Velasco)

The post Retired na sundalo patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Retired na sundalo patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor Retired na sundalo patay, 3 sugatan sa salpukan ng motor Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.