Facebook

Dengvaxia case binabalatuba!

NABABANAAGAN na ang pambababalatuba ng mga nagbabalatkayong magtatanggol kuno sa pagdadalamhati ng mga nabiktima ng dengvaxia vaccines dahil sa hinde pagtalima sa naging atas ng SUPREME COURT (SC).

Ang SUPREME COURT ay naglabas ng kautusan noong August 27, 2020 sa pamamagitan ni DIVISION CLERK OF COURT LIBRADA BUENA.., na, pinaboran ang naging petisyon ng mga magulang ng mga batang nasawi sa DENGVAXIA VACCINATIONS na ang lahat ng kaso hinggil dito ay pagsasama-samahin sa FAMILY COURT ng QUEZON CITY.

Sa kabila ng kautusan ng SC ay hinde rin sinunod ng mga JUSTICE PROSECUTOR dahil ang bagong 9 na DENGVAXIA CASE ay sa TAGUIG CITY METEOPOLITAN TRIAL COURT isinampa sa halip na isinampa sa QC REGIONAL TRIAL COURT’s BRANCH 107 na siyang itinalagang FAMILY COURT na manghahawak sa lahat ng DENGVAXIA CASES.

Hinde naman maidadahilan ng mga JUSTICE PROSECUTOR na hinde nila alam ang naging kautusan ng SC dahil mga matatalino naman sila.., kundi, ang tangi kong nakikinikinita rito ay sadyang minamali ang proseso at pinagtatagal ng mga ito upang biguin ang inaasam ng mga magulang ng mga batang nasawi na mapanagot ang DENGVAXIA IMPLEMENTORS noong taong 2016.

“Are we playing a game of ping pong (table tennis) here? The filing before the MeTC is just causing too much delay on the cases,” pahayag ni PUBLIC ATTORNEY’s OFFICE (PAO) CHIEF PERSIDA. ACOSTA sa isinagawang VIRTUAL PRESS CONFERENCE VIA ZOOM kamakailan.

Ang paghahain ng mga kaso sa maling lugar ay sadyang magbubunga ito ng mahabang paghihinagpis ng mga kapamilya ng mga namatayan at isang pag-aaksaya rin ito ng tax payers money ayon pa kay CHIEF ACOSTA.
Maging si PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na siyang nagsagawa ng awtopsiya sa 165 na nasawi sa DENGVAXIA VACCINATION ay kinukuwestiyon din ang naging aksiyon ng STATE PROSECUTORS hinggil sa hinde pagsunod ng mga ito sa kautusan ng SC.

Ang hinde pagtalima ng DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) PROSECUTORS ay maaaring makasuhan ang mga ito ng CONTEMPT OF COURT.., gayunman ay ayaw pang maghain ng kaso si CHIEF ACOSTA.

Mahirap ang sitwasyong ito dahil tila may maiimpluwensiyang opisyal ang nagmamanipula para maprotektahan ang lahat ng sangkot sa pagpapa-implementa ng DENGVAXIA VACCINATIONS na ang mga pangunahing nasasangkot dito ay sina dating DOH SECRETARY at ngayo’y ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN at ang kasalukuyang DOH SECRETARY na si FRANCISCO DUQUE III.

Ang DENGVAXIA VACCINATION ay inilunsad noong 2016 na ang.mga batang mag-aaral ay pinagbabakunahan kahit walang mga PARENTAL CONSENT.., at dahil sa mga sumunod na buwan ay dumami na ang dumanas ng adverse effect sa mga batang nabakunahan ay naglabas ang manufacturer ng DENGVAXIA na SANOFI PASTEUR INC noong 2017 sa kanilang website na precautions sa bakuna, na ang mga hinde pa nagkasakit ng dengue ay hinde maaaring mabakunahan.., pero kahit naglabas ng paalala ang manufacturer ay itinuloy pa rin ang pagbabakuna sa lahat ng mga batang mag-aaral, kesehodang nagka-dengue na o hinde pa ay pinagbabakunahan hanggang sa mannungkulan si DUQUE bilang HEALTH SECRETARY ay itinuloy pa rin ang bakunahan na mahigit 800,000 mga batang mag-aaral sa mga public school ang napagtuturukan. Presto, libo-libong mga batang nabakunahan ang dumanas ng matinding pananakit ng mga katawan, pagdurugo at pamamaga ng mga internal organ at ang pagdurugo sa utak.., mala-tortyur na kamatayan ang dinanas ng mga nasawi.

Ang DOH ay bumili noon ng halagang P3.5 bilyon ng DENGVAXIA VACCINES na dapat ay proteksiyon laban sa sakit na dengue pero kamatayan ang sinapit ng libo-libong mga bata at maski nitong taong 2021 ay may mga namatay rin dahil sa pagkakabakuna ng DENGVAXIA at may ilan din ngayon ang dumadanas na ng mga adverse effect na tila ayaw nang pagmalasakitan man lang ng ating mga GOVERNMENT OFFICIAL!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Dengvaxia case binabalatuba! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dengvaxia case binabalatuba! Dengvaxia case binabalatuba! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.