Facebook

ECQ na ulit ang NCR dahil sa mga pasaway

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh. Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito’y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan…” (Deuteronomio 26:20-21, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

ECQ NA ULIT ANG METRO MANILA DAHIL SA PATULOY NA PAGDAMI NG TINATAMAAN NG COVID 19 VIRUS AT NG KANIYANG DELTA VARIANT: Mula Agosto 06 hanggang Agosto 20, 2021, ang Metro Manila ay isasailalim minsan pa sa ECQ, O ehanced community quarantine, ang itinuturing na pinaka-mabigat at pinaka-istriktong pagpapatupad ng mga limitasyon at mga pagbabawal sa mga pagkilos ng mga mamamayan.

Ito ay upang makaiwas sila sa impeksiyong dulot ng Covid 19 virus at ng kasalukuyahang mas nakakamatay na bagong uri nito, ang Delta variant. Nagmula sa Pangulong Duterte ang utos, bilang kaniyang pagkatig sa rekomendasyon ng mga alkalde ng Metro Manila, ayon sa isang press briefing na ginawa sa PTV 4 ni Harry Roque, ang presidential spokesman.

Mula Julio 30 hanggang Agosto a singko, paiiralin naman sa National Capital Region ang GCQ, o general community quarantine, with heightened restrictions, dagdag pa ni Roque.

Batay sa Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na may petsang Mayo 2021, ang mga sumusunod na alituntunin ay kabilang sa paiiralin sa mga apektadong lugar: una, pagpapatupad ng mga health protocols para sa lahat ng nasa labas ng kanilang mga tahanan, gaya ng face masks, face shields, alcohol washing of hands, no touching of face o ng anumang bahagi ng mukha, at social distancing.

***

IBABALIK SA NCR ANG MGA MAS MATITINDING PAGBABAWAL SA PAGLABAS NG BAHAY NG MGA RESIDENTE UMPISA AGOSTO A SAIS: Pangalawa, lilimitahan ang pagkilos ng lahat ng tao, at kasama dito ang pagbabawal sa kanilang paglabas ng kanilang kabahayan, at tanging yung mga may bibilhin lamang para sa kanilang mga batayang pangangailangan gaya ng pagkain at gamot ang papayagan.

Kasama sa mga pahihintulutan sa paglabas ng tahanan ay yung mga magta-trabaho sa mga pinapayagang lugar-pagawaan o mga tanggapan. Pinagbabawalan din, sa ilalim ng Omnibus Guidelines na ito sa ECQ, ang paglabas ng bahay ng mga sumusunod:

Una, ang mga kabataang mababa ang edad sa labing-walong taong gulang; ikalawa, ang mga mas mataas ang edad sa 65 taon; ikatlo, ang mga may immuno-deficiency, comorbidity, o yung may mga banta sa kalusugan; at mga buntis na babae. Magkaganuman, sa ilalim ng guidelines, ang mga sumusunod ay papayagang lumabas ng bahay, kahit na kabilang sila sa mga nakalistang pinagbabawalang lumabas ng bahay.

Una, yung mga bibili o kukuha ng mga batayang pangangailangan nila, sa pagkain o maging sa ibang serbisyo; ikalawa, yung mga magta-trabaho sa mga lugar-pagawaan o tanggapang pinahihintulutang magpatuloy sa kasalukuyan. Ang listahan ng mga pinahihintulutang magpatuloy sa pagbubukas ng kanilang mga kompanya o ahensiya ay makikita naman doon sa guidelines.

***

DOH, MISTULANG SINAMPAL SA ECQ STATUS, MATAPOS NITONG TUYAIN ANG OCTA BILANG “TRESPASSERS” SA PAG-UULAT SA MATINDING COVID INFECTIONS: Mapait na desisyon ito pero ito ay para sa kabutihan ng lahat ayon kay Roque. Hindi kailangan na mag-panic buying ang mga tao, dahil may isang linggo pa naman ang sambayanan upang paghandaan ang GCQ with heightened restrictions, at pati na ang ECQ status, dagdag pa niya.

Lumilitaw na nagpasya ang pangulong ipatupad na muli ang ECQ status sa Metro Manila bunga ng panukala ng Metro Manila Council, o ang samahan ng mga punong lungsod sa Kamaynilaan. Ayon sa Malacanang, nakipagpulong ang council sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang Inter-Agency Task Force on Covid 19, at sa pulong na ito nabuo ang kanilang pasya na magtakda na ng mas mabibigat na mga alituntunin kontra sa pagpapabaya ng mga mamamayan.

Ayon sa mga paunang ulat ng OCTA independent research group na pinamumunuan ni Dr. Ranjit Rye, napaka-delikado na ng sitwasyon sa Metro Manila sa ngayon, dahil patuloy ang pagtaas ng bilang mga tinatamaan dito ng Covid 19 virus at ng kaniyang Delta variant.

Sa mga datos ng Department of Health, lagi ng mas mataas sa limang libong katao ang iniuulat na mga bagong nahahawa ng virus araw-araw. Kung hindi magla-lockdown ang Metro Manila sa lalong madaling panahon, nagbabala ang OCTA na magiging mas mataas na sa pitong libo hanggang sampung libong katao ang tatamaan ng Covid araw-araw sa buong Metro Manila.

***

LIBO-LIBONG METRO MANILANS TINATAMAAN NA NGAYON ARAW-ARAW: Sa ngayon, halos araw-araw ng higit sa isanglibong Metro residents ang bagong nagkakasakit ng Covid, at tiyak na tataas pa ang mga ito kung walang lockdown.

Sa isang katawa-tawang sagot ng DOH Technical Working Group sa pamumuno ng isang Dr. Edsel Salvana, pinaratangan niya ang OCTA ng pagpapa-pogi sa media sa mga nakakatakot na ulat nito tungkol sa pagdami ng Covid 19 victims sa pilipinas araw-araw.

Isang trespassing ang ginagawa ng OCTA sa pagpapalabas nito ng mga ulat, dahil wala namang karapatan ang OCTA sa pag-uulat ng anumang kanilang natutuklasan, dagdag pa ni Salvana. Sinabi ni Salvana na tanging ang DOH lamang ang may karapatang magpahayag ng mga datos tungkol sa Dovid 19 sa Pilipinas.

Magkaganunman, ang naging pasya ng Metro Manila mayors at ng Malacanang sa pamamagitan ng Pangulong Duterte na higpitan ang mga restrictions sa ngayon sa Covid ay pagpapatunay na mas kinikilala ng mga autoridad ang mga pahayag ng OCTA kaysa sa mga pahayag ng DOH.

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.

The post ECQ na ulit ang NCR dahil sa mga pasaway appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ECQ na ulit ang NCR dahil sa mga pasaway ECQ na ulit ang NCR dahil sa mga pasaway Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.