Facebook

‘Wag iboto ang mga ‘kandidatong protektor ng jueteng’ sa Oriental Mindoro!’

GAYA ng mga pasimuno sa multi-bilyong negosyo ng ilegal na droga, huwag din na­ting iboto ang mga nasa likod ng ilegal na sugal gaya ng jueteng, masiao, swertres, pares, last two, loteng, stl-teng, at kung ano-ano pang mukha nito.

Ang nakikinabang lamang sa mga pasu­galang ito ay mga korap na kandidato o politiko na ngayon ay naghahangad maupo uli sa 2022 national election sa pamamagitan ng paggamit sa mga ­inosenteng mamamayan na patuloy na biktima ng kanilang pagkagahaman sa salapi.

Halimbawa nalang sa Oriental Mindoro, ilan sa mga kandidato para sa 2022 local national election ay nasa likod ng ilegal na jueteng na nagkukubli sa “Peryahan ng Bayan” (PnB) na pinamamahalaan ng Global Tech na may dalawang resulta sa isang araw, isa sa umaga at isa sa gabi na bino-bola sa pamamagitan ng “holen” na ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay matagal nang binasura ang Deed of Authority (DOA) ng Globaltech Mobile Online and Gaming Corp. noon pang Marso 2016 para maglaro ng peryahan ng bayan.

Ang DOA ay ibi­nibigay ng PCSO sa pamamagitan ng kanyang Board of Directors. Ang board din ang may kapangyarihan na magpawalang-bisa sa DOA kapag may paglabag sa kontrata gaya ng pribelihiyong ibinigay nito sa Global tech. Ang PCSO ay may sariling Charter, ang Republic Act 1169.

At puwede bang tumigil-tigil kayo sa panlilinlang sa publiko hinggil sa mga usaping legal na may kaugnayan sa isyu dahil panis ang istratehiya at istilo ninyo para palabasin na nasa panig ninyo ‘di umano ang tama?

Kasinungalingan ang sinasabi ng ilang korap na pulitiko sa Oriental Mindoro na nationwide raw ang operasyon ng Peryahan ng Bayan (PnB). Kasinunga­lingan din na ang local government unit gaya ni mayor, gobernador, at sanggunian di umano ang nagbibigay ng DOA?

Ito namang ilan sa mga opisyal ng ­Philippine National Police (PNP) ay nagmamaang-maangan, istayl ni’yo bulok! ‘Nga pala, may Memorandum of Agreement (MOA) ang PNP at PCSO para magkatuwang sa pagsugpo sa illegal numbers game, kaso “anemic” ang galawan ng ating kapulisan.

Take Note….infairness sa PNP, buti pa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-4B) dahil aktibo itong katuwang ng PCSO at Pangulong Rodrigo Duterte sa agresibong pagpapatupad ng Executive Order 13, ang kanyang all-out war laban sa lahat ng klase ng illegal gambling sa bansa kung saan 11 kubrador ng jueteng ang naaresto.

Kung maluklok at maluklok muli ang mga kandidatong ito na pasimuno ng ilegal na sugal, lalo na itong mataas na opisyal sa nasabing lalawigan ang diumanoy tumatanggap ng P4-Milyon kada buwan, mas lalaki ang maging problema ng Pangulo at PCSO sa pagwalis dito.

Ikaw botante, iboboto mo ba ang mga gambling lords na pulitiko? Kilala mo sila.

Malaking halaga, dose-dosenang bilyong piso, ang nakukulimbat ng ilegal na sugal na tanging gambling lords at mga protektor nila ang nakikinabang.

Dapat ang salaping ito ay mapunta sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mamamayan sa mga palarong loterya gaya ng Lotto, Digit Games, Keno, Sweepstakes at Small Town Lottery (STL) dahil 30% sa gross sales ng mga ito ay awtomatikong napupunta sa Charity Fund ng PCSO, ng gobyerno.

Kailangan ng ma­rami nating mga kababayan lalo na ang mga kapuspalad ang ayudang pambayad sa ospital, pang-chemo, pang-dialy­sis, bakal sa nabaling buto, kahit na kidney o liver transplant, wheelchair, hearing aid, ambulansiya, gamit sa ospital, ayuda para sa mga nawalan ng trabaho, pangkabuhayan nasalanta ng kalamidad, at iba pa.

Sino itong mataas na opisyal sa Oriental Mindoro na may P4-Milyon payola kada buwan sa jueteng na dumadaan diumano kay UTOL?!

Subaybayan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post ‘Wag iboto ang mga ‘kandidatong protektor ng jueteng’ sa Oriental Mindoro!’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Wag iboto ang mga ‘kandidatong protektor ng jueteng’ sa Oriental Mindoro!’ ‘Wag iboto ang mga ‘kandidatong protektor ng jueteng’ sa Oriental Mindoro!’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.