Facebook

Ermita sa Kongreso!

MATAPOS ang mahabang konsultasyon sa mga mamamayan ng Unang Distrito ng lalawigan ng Batangas, nagdesisyon na si Lisa R. Ermita, bunso sa limang anak ni dating Executive Secretary Eduardo R. Ermita na harapin ang hamon ng kanyang mga ka-distrito na lumaban sa pagka- kinatawan sa kongreso ng walong mga bayan na bumubuo sa naturang congressional district.

Kinumpirma din ni ex-Executive Sec. Eduardo Ermita sa SIKRETA na buong-buo na ang kapasyahan ng kanilang pamilya at tanggap naman ni Lisa na sundan ang mga yapak ng kanyang ama para maglingkod sa kanilang mga kabababayan. Matagal ding naging congressman ng Batangas First District si Gen. Ed Ermita bago siya nanungkulang miyembro ng gabinite nina dating Presidente Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Hinalinhan si Ed (palayaw ni Ex-Sec. Ermita) ni Eileen Ermita, nakatatandang kapatid na babae ni Lisa na naunang hinubog din ni Ed para maglingkod bilang kongresista sa kanilang distrito.

Matatapos na ang tatlong termino o siyam na taon bilang Congresswoman si Eileen sa tulong ng kanilang retiradong AFP Lieutenant General na ama. Ngayong 2022 ay babakantehin ni Eileen ang kanyang pwesto kaya napagpasyahan ng pamilya Ermita na isulong ang kandidatura ni Lisa at maipagpatuloy ang “Serbisyong Ermita” sa darating na May 2022 election.

Alam ni Gen. Ermita na nasa magandang kamay ang kanilang distrito na binubuo ng mga munisipalidad ng Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan, Calatagan, Calaca, Lemery at Taal sa liderato ni Lisa pagkat mahaba na ang karanasan at kasanayan nito sa serbisyo publiko.

Si Lisa ay nagtapos sa De La Salle University- Manila sa kursong Bachelor of Science in Commerce major in Management. Una itong naglingkod bilang Executive Assistance ng kanyang ama sa Department of National Defense (DND.

Naging tagapangasiwa siya ng mga mahahalagang dokumento na nilalagdaan ng mga opisyal ng DND sa ilalim ng pamamahala ng kanyang amang heneral at Kalihim ng Department of National Defense at Presidential Adviser on the Peace Process.

Kilala din sa kanyang palayaw na Ate Lisa, siya rin ang naging kinatawan upang humarap sa mga mahahalagang tao kaugnay ng pakikipagpulong sa Kalihim ng DND hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa pangangasiwa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), National Security Council, Phil. Veterans Affair Office at Office of the Civil Defense.

Naging Director din si Lisa ng Office of the Executive Secretary sa Malacañang at naatasang maging tagapamagitan at makipag-ugnayan sa mga matataas na opisyal ng gobyerno kabilang ang 27 Cabinet Secretaries at 200 ahensya ng pamahalaan.

Dati ring naging tagapag-bigay impormasyon si Lisa sa loob ng tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at sa mga kinatawan ng Justices ng Korte Suprema at Court of Appeals. Siya rin ang namamahala at nagtatalaga ng gawain sa administrative staff at sa legal team ng opisina.

Kaya hindi nagkamali si Ed Ermita na piliin si Lisa para siyang humalili at magtuloy sa mga maiiwang mahahalagang tungkulin ng anak din nitong Congresswoman Eileen Ermita na matatapos ang huling termino bilang Kinatawan ng First District ngayong 2022.

Nito lamang nakaraang isang linggo ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga kapitan ng barangay ng bayan ng Balayan kung saan dumalo ang may 41 sa kabuuang 48 barangay chairman ng nasabing bayan at iba pang mga lokal na political leader doon.

Napagtibay sa kanilang diyalogo na si Lisa na nga at wala nang iba pa ang kanilang “kinatawan” sa pagka-kongresista sa papalapit na halalan.

Marami na rin konsultasyong naganap sa iba pang mga bayang nasasakupan ng nasabing distrito. Iisa ang kanilang panawagan, ang tiyaking maghahain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC si Lisa Ermita sa darating na Oktubre 2021.

Bago pumasok ang taong 2021 ay ini-anunsyo na ni Ed Ermita ang kanilang suporta kay Lisa para tumakbong kinatawan sa First District ng Batangas, isang mahalagang pagpapasya at kasunduang nabuo sa pamilya ERMITA.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Ermita sa Kongreso! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ermita sa Kongreso! Ermita sa Kongreso! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.