Facebook

Yorme Isko: The best man for Manila

IBA raw ang karisma ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na wala sa oposisyon at sa mga nagniningning ang mga mata sa panguluhan mula sa administrasyon.

May katangian si Domagoso, sabi ng maraming kritiko at tagamasid na pagkaisahin ang nagbabangayang “Dilaw” at “DDS.”

Kumbaga, isa siyang malakas na pandikit upang ang watak-watak ay mapagdikit at mapagkaisa.

Nahalal si Isko sa puwersa ng lokal na partidong Asenso Manilenyo, pero tandaang sa mga nakaraang takbo niya, siya ay sinuportahan ng Nacionalista, NUP, UNA at iba pang partido politikal.

Kaya kung kulang siya noon sa tinatawag na political clout, kamal-kamal na salaping pangampanya at makinarya sa pambansang kampanya, sa lumalakas na suporta ng kabataan at ng social media – na isang malaki at mahalagang sangkap ngayon sa halalan –, umaani ng maraming suporta ang Batang Tundo.

May nagsasabi na “hilaw” pa si Yorme Isko para sa mas mataas na posisyon at mas mabuting dumalawa o tumatlong termino siya sa Maynila.

Sabi ni Isko noon, mas gusto niyang matuto at maranasan pa ang maraming pagsubok sa pagpapaunlad ng Maynila.

Alagaan muna niya ang Maynila at kapag nagawa ito ni Isko, sabi ng mabubuting political analyst, madali na niyang maaakyat ang Malakanyang sa 2028.

Kapag nalutas niya ang problemang iskwater, trabaho, kriminalidad, korapsiyon, at iba pang problema sa Maynila, hinog-na-hinog na siya para sa pag-akyat sa Palasyo.

Kung magagawa niyang mala-Singapore ang Maynila sa susunod na termino, at mababago niya ang mga barong-barong at estero ng Tundo at mapasisigla ang Binondo, Malate at ang iba pang distrito ng Maynila, magaan na niyang matutupad ang pangarap na gawing tuntungan ang kaunlaran ng lungsod para maging lider ng bansa.

Sa ngayon, Mayor Isko, sabi ng marami ay “the best man for Manila.”
***
Alam nyo bang, may sarili nang Muslim Cemetery sa Maynila na pinasinayaan nito lang 450th Araw ng Maynila na nasa 2400 sq. meters lot sa Manila South Cemetery?

Para mapanatiling Green and Clean ang Maynila, ipinasa ang Ordinance 8607 para maging permanent City forrest ang Arroceros Park at may multa at imprisonment ang lalabag sa batas na ito.

Hindi lang mahihirap at api ang kinakalinga sa Maynila; mananagot kay Yorme ang mga magdi-discriminate sa mga lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queers at intersex, ayon sa Ordinance No. 8695 (“Manila LGBTQI+community Protection Ordinance of 2020”).

“Walang aapi sa inyo,” sabi ni Mayor Domagoso.

***

Kung may Chinatown sa Binondo, bakit hindi magtayo ng isang natatanging lugar para sa mga Koreano?

Pag naitayo ito – na inokeyan na ni Korean Ambassador Kim Inchul – tiyak na gaganda ang relasyong South Korea at Maynila.

Iba talagang magtrabaho sa tao si Yorme Isko.

***
Sa kabila ng pagsusumikap ng butihing Bureau of Customs (BoC) Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero na patinuin at linisin sa ilegal na gawain ang ahensya ay meron pa ring iilan na pasaway.

Ang tinutukoy natin ay ang ilang reklamo na ipinarating sa atin – na may isang opisyal ng Intelligence Division ng Customs Intelligence and Investigation Service na may inisyal na T.T. ang lantarang gumagawa ng kabalbalan sa ilang importer/broker para i-hold o ipa-alert ang ilang mga kargamento nito.

Ibig pong sabihin, sinisilip ni T.T. ang ilang entries para di umano’y makapang-harass sa pamamagitan ng pag-iisyu ng alert orders at luminya sa kanya ang mga nagpaparating ng importasyon na nagbabayad ng tamang duties and taxes sa Customs.

O, Deputy Commissioner Raniel Ramiro at Comm. Jagger, alam kung di nyo tinotelerate ang mga ganitong uri ng gawain, at kung di nyo aaksyonan ito ay matutulad kayo sa dating Depcom ng IG na puros bukol ang inabot na umano’y kagagawan rin ni T.T. at partner nitong natanggal na si Abu.

Tsk… Tsk… napakalungkot naman po kung walang aksyong gagawin, mga kaibigan.

***

Malaking krimen ang illegal logging sa kabundukan na sa pag-ulan ay wala nang pumipigil pa sa mabilis na pagbaha ng tubig, na tuloy-tuloy sa mas mabababang lugar tulad ng Maynila.

At dagdag pa rito, kumpara sa nakaraang mga dekada, mas mabagsik, mas mapaminsala ang mahigit sa 25 bagyo na walang sawa sa pagdalaw sa Pilipinas.

Sa pagdaan ng mga taon, lalong tumitindi ang climate change o pagbabago ng temperature ng mundo.

Kungdi natin mababago ang lahat at masosolusyonan ang problemang ito, hindi malayong danasin natin ang katakot-takot na mga bagong “delubyo” at kailanganin na ngang gumawa tayo ng malalaking daong o barko, tulad ng ginawa ni Noah sa Biblia.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Yorme Isko: The best man for Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Yorme Isko: The best man for Manila Yorme Isko: The best man for Manila Reviewed by misfitgympal on Hulyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.