Facebook

Fencing Nat’l Open second leg sasambulat sa Ormoc City

LIMA sa anim na mainstays ng national team ang babandera sa Philippine squad para sa susunod na Southeast Asian Games sa second leg ng National Open Fencing Championship na nakatakda sa Huwebes hanggang Biyernes sa Superdome sa Ormoc City.

Southeast Asian (SEA) Games medalist Jylyn Nicanor at fencing rising star Samantha Catantan ay nagbulsa ng gold medal sa kanilang kanya-kanyang events sa first leg ng event, na nagsilbing qualifying tournament para sa SEA Games sa Vietnam.

Catantan, na freshman sa Penn State University, ay dinaig ang kapwa national team member Maxine Esteban 15-8 sa final round ng women’s foil event. Habang si Nicanor naungusan si Queendenise Dalmacio ng University of the East ‘15-3 sa gold medal bout ng women’s sabre.

UE’s Jaymi De Los Santos umiskor ng tumataginting na panalo sa first leg nang ibulsa ang gold medal sa women’s epee sa iskor na 15-14 wagi kontra Hanniela Abella— na SEA Games gold medalist sa women’s team noong 2019.

Sa men’s side, national team members Nathaniel Parez,CJ Concepcion at Noelito Jose Jr. na kalahok sa Olympic Qualifying Tournament kasama si Catantan,Nicanor at Abella nakaraang April sa Uzbekistan- nagwagi ng gold medals sa foil,saber at epee, ayon sa pagkakasunod.

Sa finals, tinalo ni Perez si Samuel Tranquillan ng UE 13-8, No.2 Concepcion nagtagumpay kontra top seed Donnie Arth Navarro 15-13, at Jose nagwagi kontra Reynaldo Perez Jr. 15-4.
Pagkatapos nitong paligsahan, ang third leg ay sa July 10-11. ang mananalo ay tatanggap ng parehong puntos pagkatapos ng kumpetisyon para sa ranking ng fencers para sa national team sa SEA Games.

Sinabi ni Amat Canlas, overall head coach ng national fencing team, na pipiliin pa rin nila ang 3-4 spots.

The post Fencing Nat’l Open second leg sasambulat sa Ormoc City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Fencing Nat’l Open second leg sasambulat sa Ormoc City Fencing Nat’l Open second leg sasambulat sa Ormoc City Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.