Facebook

Javi Gomez de Liano huling Filipino na maglalaro sa Japan league

ANG dating University of the Philippines (UP) standout Javi Gomez de Liano ang pinakahuling Filipino player na lumagda bilang Asian imports sa Japan.

Ang 22-year-old Gomez de Liano ay maglalaro sa Ibaraki Robots, na kamakailan lang ay na promote sa first division ng B. League.

Makakasama niya ang kanyang nakababatang kapatid Juan, na kamakailan ay lumagda sa Division 2 team Earthfriends Tokyo Z.

Inanunsyo ng team Lunes na ang kontrata ni Gomez de Liano ay mapapaso hanggang matapos ang B.Leagues 2021-22 season,simula July 1.

“I’m happy to announce that I’ll be playing for Ibaraki Robots in Japan B1 league,” Wika ni Gomez de Liano. “I’d like to thank Coach Richard (Glesman) and Robots management for giving me this opportunity of the lifetime.”

“I can’t wait to play for you guys and meet the amazing community out there,” Dagdag pa nya.

Naging miyembro siya ng Philippine national team pool at naglaro ng three games para sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, averaging 10.7 points at 3.0 rebounds per game sa 16.9 minuto.

Ang Gomez de Liano ngayon ang pangalawang magkapatid na maglalaro sa Japan’s B.League.

Thirdy Ravena ay nakatakdang maglaro sa kanyang second season sa San-En Phoenix,habang ang matandagng kapatid Kiefer Ravena ay pumirma sa Shiga Lakestars.

The post Javi Gomez de Liano huling Filipino na maglalaro sa Japan league appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Javi Gomez de Liano huling Filipino na maglalaro sa Japan league Javi Gomez de Liano huling Filipino na maglalaro sa Japan league Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.