MADALING paghambingin ang krusada ni Sonny Trillanes at Manny Pacquiao sa usapin ng korapsyon. Inihalintulad ng isang netizen ang gamit na armas ng dalawang may balak sumabak sa panguluhang halalan sa 2022: Gamit ni Pacquiao ang isang shotgun, samantalang sniper rifle ang kay Trillanes.
Iniumang ni Pacquiao ang shotgun kay Rodrigo Duterte at walang sabi-sabi ay kinalabit ang gatilyo. Sabog ang mga pellet ng shotgun. Hindi natin alam kung napuruhan si Duterte. Hindi natin kung pinag-aralan ni Pacquiao ang usapin ng korapsyon sa mga sangay ng gobyerno. Hindi natin alam kung may kakayahan si Pacquiao na pag-aralan ang usapin at kung nagagap ng kanyang pag-iisip ang mga detalye na iniharap sa kanya ng kanyang mga staff.
Hindi natin alam kung may sapat na detalye na nagsisilbing katibayan sa kanyang ibinibintang na korapsyon kontra kay Duterte na kanyang kakampi sa nakalipas na limang taon. Sa maikli, hindi natin alam kung kaya niyang idribol ang isyu, o mintis ang kanyang shotgun. Mahirap iatang sa kanyang balikat ang kumplikadong isyu ng korapsyon sa gobyerno ni Duterte dahil wala siyang inihaharap na mga detalye.
Sniper rifle ang gamit ni Sonny Trillanes. Para ito sa mga asintado. May largabista para masipat ng husto ang target. Sa isang kalabit ng gatilyo, pinupuksa ang target, itinutumba. Gamit ito ng mga tao na may damdamin ng paniniguro at marunong magplano.
Detalyado ang akusasyon ni Sonny Trillanes tungkol sa pandarambong ni Bong Go, ang matapat na alalay ni Duterte. Umaabot sa P6.6 bilyon ang nadambong umano ni Go sa kaban ng bayan; P1.5 bilyon noong alkalde si Duterte ng Davao City at P5.1 bilyon sa unang dalawang taon na pangulo si Duterte. Walang sagot na matino si Bong Go at ang Palasyo.
May hawak na mga dokumento si Sonny Trillanes. Planado ang pagsisiwalat niya sa kalokohan ni Bong Go at pamilya. Mistulang pusang nasukol si Bong Go at Duterte. Tatlong taon ang ginugol ni Sonny Trillanes upang mabuo ang pagsisiwalat. Inamin niya na isasakdal niya si Bong Go at Duterte ng pandarambong “sa tamang panahon.” Malamang kapag natapos na ang termino ni Duterte at wala na siya sa poder.
“Ipakukulong ko si Duterte at mga kasama,” ito ang tashasang ipinangako ni Trillanes kung mahalal na pangulo sa 2022. Tatakbo si Trillanes bilang pangulo dahil hindi tatakbo si Leni Robredo. Walang sinumang kandidato ang nangako ng kanilang gagawin kung mananalo sa 2022. Hindi nila matalakay si Duterte.
***
HINDI nakakatuwa ang mga tagasuporta ni Leni. May mangilan-ngilan ang nananatiling panatiko sa kanilang paniniwala. Matiyaga silang naghihintay ng anumang pahayag sa Bise Presidente na tatakbo sa 2022. Hindi sila nanininiwala na isinasangla niya kasama si Kiko Pangilinan ang Liberal Party sa sinuman tatakbo ng presidente at senador sa 2022.
“Lenitic” ang tawag namin sa mga panatiko ni Leni. Mula ito sa litang “lunatic.” Marami sa kanila ang naging emosyonal at maramdamin. Huwag makanti at nagpuputak ng walang hanggan. Marami sa kanila ang walang trabaho at walang ginagawa. Hindi nagbabasa. Basta sa kanila, hindi magkakamali si Leni.
Hindi nila tinatanggap ang paliwanag na nag-iba na ng direksyon si Leni at dinadala niya sa isang nakakapagtakang patunguhin ang puwersa ng demokrasya. Maigi na lang at nabuo ang 1Sambayan bilang totoong koalisyon ng iba’t ibang puwersa ng demokrasya kundi maninikluhod ang bayan sa Liberal Party na mukhang hilo at lito sa pamumuno ni Leni at Kiko.
Hindi matanggap ng mga lenitic na nabola sila ng kanilang idolo. Hindi matanggap na walang paggalang sa kanila si Leni dahil pinaghihintay sila kahit inilalako na ang Liberal Party sa may salapi at aarkila at bibili sa lapian para gamitin sa 2022. Hindi bukas ang mata ng mga lenitic. Sila lang ang tama. Sila ang mga peste sa social media.
***
MASUGID namin binabasa ang mga post ng aming kaibigan na si Roly Eclevia. Pakibasa ang isa sa kanyang mga isinulat:
What cause has Pacquiao or Moreno espoused?
In 2016, the PDP-Laban accommodated the candidacy of Rodrigo Duterte. It is thus responsible for the election of a mass murderer and a traitor.
Will the Liberal Party do the same for Manny Pacquiao or Isko Moreno in the 2022 presidential election? Why not consider Ferdinand Marcos Jr. too? or Dick Gordon? or Ping Lacson?
Absent any moral standards as guide, the Liberal Party can also open its doors to Sara Duterte or Bong Go. And to Mr. Duterte, who is running as vice president under his daughter or his former aide as standard bearer.
That should make the political depravity of the Liberal Party complete.
Whoever occupies the Office of the President must possess a working knowledge of international relations, the economy, and the law. He must be articulate not only in his mother tongue but in one of the languages of commerce and diplomacy: English, Spanish, French, Chinese.
Some people argue that in a leader the heart is more important than the brain. Granted, but what cause has Mr. Pacquiao or Mr. Moreno espoused for the benefit of the people?
***
MGA PILING SALITA: “Only Marcos and his close cronies stole. Duterte has democratized thievery. All gov’t officials have become rich under his watch.” – Roly Eclevia
“Isko Moreno is overrated. Hindi nga nanalong senador yan. Tulad ni Bayani Fernando, sikat lang sya sa kanyang syudad.” – Roly Eclevia
“A two party system is more realistic and viable than a multiparty system. A two-party system encourages middle-of-the road accords & deters political extremism. A multiparty system is unwieldy with many political parties for hire like taxicabs. Dormant parties are also for sale.” – Ba Ipe
“The Liberal Party is no longer the party of Jovito Salonga, Ninoy Aquino, & Gerry Roxas. Not of PNoy & Mar Roxas. Under Kiko Pangilinan & Leni Robredo, it may end up to opportunists. Frank Drilon & Mar Roxas should intervene to save the Liberal Party from political prostitution.” – Ba Ipe
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post ‘Sniper rifle,’ ‘lenitic’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: