SINIMULAN na ng International Criminal Court na ipatawag ang umanoĆ½ kamag-anak ng mga biktima ng anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa post sa website ng ICC, nais nitong marinig ang mga pananaw o views, concerns, at expectations ng mga biktima sa gagawing imbestigasyon na crimes against humanity na isinampa sa Pangulo.
Gagamitin ng ICC ang mga pahayag ng mga biktima sa judicial proceedings.
Naghanda na rin ang ICC ng Victims Participation and Reparations Section (VPRS) of the Registry, kung saan maaring isumite ang kanilang online application.
Nakatakda ang deadline ng submission sa ICC sa August 13.
Una nang sinabi ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang ICC na imbestisgahan ang Pangulo dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC.
Bukod dito, iginiit ng Malakanyang na gumagana ang mga korte sa bansa.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Mga biktima ng war on drugs ni Pangulong Duterte pinagsusumite na ng salaysay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: