AABOT sa P2,240.800 ang halaga ng marijuana na nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group mula Southern District Field Unit at CIDG Bulacan sa tahanan ng isang negosyanteng Intsik sa Carmen de Luna St., Barangay Lungos, Malolos City.
Ayon kay Police Major Ferdinand Mendoza ng CIDG Southern District Field Unit, 10:30 ng umaga nang salakayin ang tahanan ni Jayson King.
Armado ng search warrant ang mga tauhan ng CIDG mula sa Bulacan Regional Trail Court nang pasukin ang bahay ni King na may maliit na private pool, 3 kwarto at isang kitchen sa paligid nito.
Ayon sa intelligence report, buy and sell ng sasakyan ang hanapbuhay ni King.
Matatandaan na 2018 nang unang mahulihan ng 2 kilo ng marijuana si King sa Quezon City.
Ayon kay King, may lisensya ang lahat ng kanyang baril dahil hilig niya ang mangulekta ng iba’t ibang uri ng armas kabilang dito ang sniper gun.
Habang ginagamit niya ang kush marijuana bilang panggamot sa sakit nitong daibetis, kungsaan itinanggi nito ang pagbebenta ng marijauana.
Makikita sa loob ng kanyang bahay ang bundle ng mga plastic ng isang kilalang courier service (Lazada).
Makalipas ang isang oras sunod na pinuntahan ng mga searcher ng CIDG ang ikatlong room at dito nakita ang dalawa pang baril na may lisensya sa anak ni King.
Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isasampa laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)
The post Higit P2.2m marijuana at iba’t ibang uri ng baril nasamsam sa Bulacan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: