Facebook

Huwag paniwalaan, fake news ng ‘Makabayan’

HINDI tayo kinakailangan padala sa mga patutsada ng mga miyembro ng Makabayan Bloc kuno sa Kongreso, dahil ang mga “dipotadong” mga ito, ay magaling lamang sa pagpapakalat ng ‘fake news’.

Kaya nga agad silang nasopla ng ating kaibigang DILG Undersecretary Jonatahan Malaya na hinamon pa ang Makabayan Bloc members na lumabas naman sa kanilang mga ‘de aircon’ na mga opisina diyan sa Batasan upang makita at masiguro na ang sinasabi nilang pagwawaldas lamang ng mga pondo ay talaga palang naibaba ng Administrasyong Duterte sa mga barangay na dating kinokopo ng alyadong komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA).

Tama naman talaga si Usec. Malaya, ang totoo ay mismong ang Makabayan Bloc at ang CPP-NPA ang may gusto na manatiling lugmok ang malalayong barangay para mapasok nila ito, makontrol at maudyukan ang mga residente na magalit sa pamahalaan.

Lumang i-style na nga ang datingan at diskarte nitong mga dipotadong bobo na representante kuno ng mga aping sektor sa Pilipinas. Ngunit ang katunayan sila ang humahadlang sa kaunlaran ng mga umanong api sa bayan lalo na ang mga kababayan nating mahihirap sa mga kanayunan.

Ang pahayag ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat, halimbawa, na ang pondo raw para sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nasayang at winaldas lamang, ay isang MALAKING KASINUNGALINGAN!

Ang pondo pong nabanggit ay hindi sa NTF-ELCAC binabagsak ng Department of Budget and Management (DBM) kung di ay sa mga LGUs (Local Goverment Units) kung saan matatagpuan ang barangay na dapat ay makaranas naman ng kaunlaran matapos pagsamantalahan ng mga komunistang-terorista gaya ng CPP-NPA at ng mga kasapi ng Makabayan Bloc sa Kongreso.

Ang LGU ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga proyektong pinondohan sa pamamagitan ng BDP para masiguro na pakikinabangan ng barangay sa kanilang nasasakupan ang mga proyekto, matapos maitaboy ng mga tropa ng pamahalaan ang mga nanggulong komunistang-terorista. Ang mahigit na P16 bilyong pondo ay naikalat na nga sa mahigit na 800 mga barangay na binulabog at pinahirapan ng CPP-NPA sa mahabang panahon.

Ang hinihingi pang karagdagang P40 bilyong pondo naman para maituloy ng NTF-ELCAC ang BDP ay para sa dalawang libo pang barangay na dumanas ng kagipitan ng dahil sa CPP-NPA at ng Makabayan Bloc.YAN ANG TOTOO AT HINDI FAKE NEWS YAN!

The post Huwag paniwalaan, fake news ng ‘Makabayan’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Huwag paniwalaan, fake news ng ‘Makabayan’ Huwag paniwalaan, fake news ng ‘Makabayan’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.