TULAD ng nararanasan sa ngayon ng mamamayan sa pagragasa ng tubig baha bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Habagat ay ganun din ang insentibong pagbaha sa ating Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Panalangin ng Sambayanan madagdagan pa ang medalyang iuuwi ng mga atletang pinoy para sa karangalan ng bansa.
Sa kuwentada ng Usapang HAUZ umaabot na sa halos 60M ang mapapasakamay ng ating Pambansang Barbelista base sa mga pangako na sana huwag mapako.
Huwag na nating isa-isahin pa ang gantimpalang pangako kay Diaz dahil may bagong insentibong matatanggap ang ating olympic gold medalist ito ay mula sa House of Representatives na pinangunahan ni Speaker Lord Allan Velasco na mag-solicit sa kanyang miyembro sa kamara.
Target ni Velasco sa ginawa nitong “pass the hat” drive sa mga kapwa mambabatas, para makalikom ng mula P5-milyon hanggang P10-milyon na igagawad bilang karagdagang insentibo sa atletang kampeon sa weightlifting.
May bukod na 3 milyong pisong insentibo ang ipagkakaloob ni 1-PACMAN Party List Rep. Michael Romero kay Diaz hindi lang sinabi kung personal itong iaabot sa ating Olympic gold medalist.
bilang patunay mga ka Usapang HAUZ ipinakita pa ni Rep. Romero sa mga mamamahayag ang tsekeng nagkakahalaga ng P3-milyon na kanyang ibibigay kay Diaz, sa kanyang pagbabalik sa bansa, eh nakabalik na.
Sa pagkapanalo ni Diaz nagising ang ilang mambabatas na maghain ng resolusyon ng papuri at pagbati para kay Diaz sa kanyang makasaysayang panalo.
Binanggit din na isusulong ang pagtatatag ng Department of Sports, bilang pagsisikap na matugunan ang hamon sa pagsasanay at pondo para sa mga atletang Pilipino.
Marami ang nagsasabi na sana ang mga atletang umuwing luhaan ay magawaran din ng papuri at insentibo dahil hindi naman nila nais na matalo sa kumpitisyon.
Pahabol mga Ka Usapang HAUZ, Ang milyon-milyong pisong insentibo ni Diaz dahil sa ipinamalas niyang lakas sa pagbubuhat sa barbel na halos sing bigat ng 3 sakong bigas ay bumaha ng papuri at pa-premyo samantalang inuulan naman ng kahirapan ang milyon-milyong mamamayan hirap makabili ng kahit isang kilong bigas…
Anumang Reaksiyon Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036
The post Insentibo bumaha sa uwing ginto! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: