TALAGA nga namang angkop na angkop para sa itinuturing natin ngayon na bayaning, si Hidilyn Francisco Diaz ang matandang kasabihan na, “ang buhay ay parang gulong, minsan ay nasa ilalim, minsan nasa ibabaw”.
Hinamak at inaglahi noon ang pagkatao ni Hidilyn, pinaratangang “maka-kaliwa” at kabilang sa “drug watch list”?.
Nasa “drug list” daw si Hidilyn na ang ibig sabihin ay isa sa mga minamanmanang personalidad sapagkat posibleng kasangkot ito bilang protektor, gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na droga?
“Just because you are silver medalist, entitled ka sa drug, bawal po yan Ms. Hidilyn.Our inteligence report is very credible, kasama ka sa drug list”. Ito ang nakapost sa social media na paratang ni Presidential Spokesperson, Atty. Salvador Panelo may ilang taon na ang nakararaan.
Hihirit kaya ng mga gayong uri ng batikos si Panelo laban kay Hidilyn kung walang basbas ang amo nitong si Pangulong Rodrigo R. Duterte?
Kahit na hindi pinaniniwalaan ang pahayag at mahahayap na salitang ibinabato laban kay Hidilyn ng walang kredilidad na abogado noong May 8, 2019 ay nakakademoralisa naman ito sa panig ng atleta pagkat sa panahong yaon ay sumasabak ito sa masusing pagsasanay sa papalapit na 2021 Olympic Games.
Bago ang masakit na pagpaparatang kay Hidilyn ay pinuna nito ang kawalan ng suporta ng pamahalaan sa mga tulad niyang atleta.
Nanawagan pa ito sa mga pribadong sektor ng tulong para maipagpatuloy nito ang kanyang pagsasanay sa bansang Malaysia.
Ngunit kahit saan mang anggulo tingnan, ay mahirap paniwalaan ang mga upasalang ibinabato kay Hidilyn. Isang PAF Sergeant, multi-titled awarded na atleta at tinitingala sa kanyang larangan ay pararatangan na “maka-kaliwa at nasa “drug list” pa?
Sa halip na masiraan ng loob ay lalong naging determinadong hinarap ni Hidilyn ang hamon, kahit minsan ay di nito ipinakita ang kirot na kanyang naramdaman sa harap ng paghamak sa kanyang pagkatao.
Paano nga ba namang di hahamakin ni Panelo si Hidilyn gayong hindi naman nila sukat akalaing makakamit nito ang mailap at dati ay imposibleng maaabot na medalya ng isang atleta, lalo pa mga at isang babae?
Mula noong taong 1924 na unang lumahok sa Olympic Games ang ating bansa ay napakarami nang nagtangkang manlalarong Pinoy na makamit ang pinapangarap na medalyang ginto, ngunit lahat sila ay nangabigo.
Bakit nga naman di nila babalewain si Hidilyn gayong noong bago pa lamang sumasabak ang manlalaro sa nasabing palakasan noong 2006 ay nagkamit lamang ito ng pang-10 pwesto sa clean and jerk sa ginanap na Asian Games.
Marahil inakala ng pamahalaan na bagamat nakakuha ng silver medal si Hidilyn noong 2016 ay hanggang doon na lamang ang pinakamalayong maaabot nito.
Biglang nabago ang ihip ng hangin at nabaligtad ang pangyayari. Kung dati ay panlalait kay Hidilyn, ngayon ay sukdol langit ang papuri sa kanya.
Dinadakila ngayon si Hidilyn ng taong siya mismong humamak sa kanya noon. Noong nakaraang July 26 lamang sa Tokyo Summer Olympic ay naitala sa kasaysayan ng bansa na nakamit ng isang barbelistang babaeng Pinoy ang pinakamataas na pangarap na medalyang ginto sa larangan ng palakasan sa Olimpiyada.
Kaya biglang nabago ang post ni Panelo sa social media nito din lamang July 26, 2021.
Ganito ang isinaad niya: “Congratulations Ma’am Hidilyn for the gold. We always know that you will bring honor to our country that’s why the Duterte Administration always extend its support to you”. Sana ganito ang sinabi mo noon?!
Sa halos ay mag-iisang siglo ay iilan pa lamang ang nakakamit na medalya ng bansa, pinaka-mataas nito ay ang medalyang pilak na naabot ng mga boksingerong sina Anthony Villanueva noong 1964 sa Tokyo Olympic din at Mansueto “Onyok” Velasco noong 1996 sa Atlanta Olympic
Ang iba pang nanalo ng medaya ay sina Miguel White ( athletics), 1936, Berlin Olympic- bronze, Leopoldo Serrantes ( boxing) Seoul Olympic 1988-bronze, at Roel Velasco, Barcelona Olympic, 1992- bronze.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.
The post Olympic gold medalist, nasa druglist? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: