Facebook

Isko at Honey naghanda vs Delta Variant – Bagatsing

UPANG mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng Delta Variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya nang personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variat sa mga residente sa lungsod.

Sinabi ni Bagatsing na lahat ng precautionary measure ay ginagawa ni Moreno at Lacuna bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the covid delta variant. The Luneta field hospital, the free drive thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing.

Aniya, madaming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng covid ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailan hinggil dito.

“Maraming nagtaka, pero ngayon kailangan na ito, para hindi magkulang ng kama kung sakaling dumami ang kaso,” sabi ni Bagatsing.

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID-19 sa Pasko.

Nanawagan din si Bagatsing sa ibang private sector na may kaya sa buhay na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Matatandaang pinagamit ni Don Ramon Bagatsing ang kanyang mga dormitoryo sa Maynila bilang pansamantalang tirahan ng mga medical frontliners.

“Handa akong tumulong ulit. Dapat isang bangka tayo, it is the only way can overcome this delta variant storm,” dagdag pa ni Bagatsing.

The post Isko at Honey naghanda vs Delta Variant – Bagatsing appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Isko at Honey naghanda vs Delta Variant – Bagatsing Isko at Honey naghanda vs Delta Variant – Bagatsing Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.