Facebook

‘MASS VACCINATION NIGHTS’, INILUNSAD SA MAYNILA — ISKO

SUMAKSI ang nakalipas na weekend sa paglulunsad ng ‘mass vaccination nights’ sa lungsod ng Maynila kung saan may 720 manggagawa mula sa public markets at drivers ng mga pampublikong sasakyan ay nabakunahan sa isang magdamag na operasyon at naghuhudyat nang simula ng mas pinaigting na vaccination program gamit ang karamihan ng 400,000 Sinovac doses na binili sa China.

Personal na binisita nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department chief Dr Poks Pangan ang vaccination site at naroon din si assistant MHD chief Dr. Ed Santos upang personal na i-supervise ang proseso ng pagbabakuna upang matiyak na ito ay maayos at mabilis.

Sinabi ni Lacuna na ang vaccination ay ginawa sa Recto, Manila mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. para mapagbigyan ang mga nagtatrabaho sa gabi at hindi makakarating sa vaccination sites ng umaga dahil puyat sa kanilang trabaho. Kabilang dito ang mga vendors, tricycle , pedicab drivers at market workers.

Ayon kay Moreno, kabilang sa mga nabigyan ng bakuna ay ang mga market workers na nagbubuhat ng mga paninda sa mula da iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon.

Inanunsyo din ni Moreno na ang first dose mass vaccinations ay gagawin buong araw ng Lunes (July 5) kung saan may 3,000 doses ang ibibigay sa mga A1 hanggang A5 priority groups sa apat na designated shopping malls at 1,500 doses bawat isa sa may 18 paaralan.

Samantala sina Moreno at Lacuna ay nanguna sa ground breaking at pag-a-award ng first housing unit ng Baseco housing project na tinawag na ‘BaseCommunity.’

Ang iba pang housing programs ng city government ay Tondominiums 1 and 2 at ang Binondominium.

Sa kanyang pagbibigay ng housing units, sinabi ni Moreno na, nais niyang bigyan ng dignidad ang mga mahihirap sa pamamagitan ng disenteng tahanan na na maipagmamalaki nilang pag-aari nila at ito ay hindi katulad ng kulungan ng kalapati.

Ang mga units sa ilalim ng plano ng pamahalaang lungsod ay kumpleto at may dalawang silid tulugan, kitchen, toilet at living room.

Bilang dating squatter, nakita ni Moreno ang pangangailan na may sigurado kang bubong na puwede mong masilungan, gaya nang malimit na banggitin ng kanyang ina noon na: “kung aso nga naghahanap ng masisilungan, tao pa kaya?” (ANDI GARCIA)

The post ‘MASS VACCINATION NIGHTS’, INILUNSAD SA MAYNILA — ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘MASS VACCINATION NIGHTS’, INILUNSAD SA MAYNILA — ISKO ‘MASS VACCINATION NIGHTS’, INILUNSAD SA MAYNILA — ISKO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.