Facebook

Moro morong raid ng Baguio PNP sa mga sugalan ni Patrick

BAHAG nga bang talaga ang buntot ng kapulisan ng Baguio City at ng mga opisyales nito sa gambling lord na si alyas Patrick.

Si alyas Patrick ang binansagang untouchble gambling lord since time immemorial.

Panahon pa ni dating Baguio City Mayor Maurico Domogan ay si Patrick na ang kinikilalang hari ng sugal sa City of Pines.

Ayon sa mga alipores ni Patrick,wala talagang binesa ang kapulisan ng Baguio sa kanilang among si Patrick.

Isa lamang ang pulis baguio sa mga patabaing baboy nitong si Patrick na nabundat ng husto sa ipinamamahaging grasya (payola) ng naturang gambling lord sa mga miyembro ng pambansang kapulisan.

Hindi lamang sa Legarga Avenue ang kaharian ni Patrick na sa araw at gabi ay dinarayo ng mga tahor kahit pa nga nasa pandemya pa ang buong bansa.

Nariyan din ang mga pwesto nitong garapalan na nagooperate sa may bokawkan at cariño street malapit sa burham,mga montehan,dropball salisi at colorgame ang pinagkakaguluhan dito.

Pati si Mayor Benjie Magalong ay mistulang inutil dahil sa kawalan nito ng aksyon laban sa mga iligal na pasugal ni Patrick.

Namamalahibo nga ba si Mayor Magalong sa isang retarded este retired (expired) Gen.Martin na padrino ng kupal na si Patrick?

Nagsagawa nga raw ng raid ang mga kapulisan ng Baguio laban sa nga pasugalan ni Patrick kamakailan pero moro-moro lamang ito upang matigil ang serye ng pagbatikos sa liderato ni Mayor Magalong ng national media laban sa talamak na operasyon ng mga sugalan sa siyudad ni Magalong.

Isang daan at tatlumput tatlong personahe ang nahuli sa montehan ni Patrick ngunit wala 24 oras ay muling back in operations na muli ang mga pasugalang ito.

Press release at moro morong raid talaga ang ginawa.

Maliban kay Patrick,marami pang gambling operators ang namamayagpag sa Baguio City gaya nina alyas Nestor, Kapitan Bagtan at Kapitan Oldak.

Yes po dear readers,mismong mga barangay kapitan ng Baguio City ang mismong pasimuno ng mga iligal na pasugal.

Mukhang nalalaos na ang matikas na dating heneral na si Mayor Benjie Magalong ah.

Pati ang kupaling supot na si Patrick ay kaya nang paikutin si pareng Benjie Magalong!

Mayor Magalong sir,mukhang nabubukulan ka ng mga kapulisan mo pagdating sa nga pasugalan ni alyas Patrick.

Nagtatanong lamang po ako Mayor Benjie sir?

Di po kasi ako lubos na makapaniwala na ang isang supot na gaya ni Patrick ay kaya kayong sapawan ng pato!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Moro morong raid ng Baguio PNP sa mga sugalan ni Patrick appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Moro morong raid ng Baguio PNP sa mga sugalan ni Patrick Moro morong raid ng Baguio PNP sa mga sugalan ni Patrick Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.