SINA Raymundo at Lorenza Fortaleza ay ang dahilan ng tagumpay ng apat nilang mga kampeon sa boksing na mga anak.
Ang mag-asawa na may maliit na tailoring shop sa Leveriza sa Malate, Manila ay ang mga magulang nina Ric, Rey, Roger at Rene na pawang mga amateur boxing champs mula sa Far Eastern University.
Disiplinarian ang kanilang ama at maalaga ang kanilang ina ayon sa Kuya Ric ng tatlo.
“Napapalo kami noon ni Tatay kung may kasalanan,” kwento sa atin ng tanging gold medalist ng Pinas sa 1970 Teheran Games.
“Kung minsan nga kahit wala ay nasisinturon din kami kung may nagsumbong sa kanya,” dugtong naman ni Rey na isang media mogul na sa Vancouver sa Canada.
Bilang lider ng simbahan at kapitan ng barangay ay ayaw na ayaw ng kanilang itay na sabihing kinukunsinti niya ang mga magkakapatid.
Ayon naman kay Roger ay idiniin ng kanilang father na pagbutihin ang pag-aaral at huwag sayangin ang athletic scholarship ng FEU.
“Kaya kaming mag-uutol nakagradweyt sa kolehiyo kasi sinunod namin ang payo ng aming mga magulang na kilala bilang Mang Munding at Aling Luring sa aming lugar,” sambit ng mas batang Fortaleza.
Nakapanayam natin ang Fortlaeza Bros noong Sabado sa Boomers Banquet. Sa ika-19 ng Hulyo naman ay mga espesyal natin silang panauhin sa OKS.
***
Naka-chat natin noong Sabado ng gabi si Alvin Patrimonio hinggil sa kanyang napabalitang pagtakbo sa pagiging alkalde ng Cainta.
Eka ng tinaguriang The Captain ay ipinagdarasal niya na magkaroon ng tamang desisyon bago mag-Oktubre.
Mabigat ang tungkulin ng isang meyor ng isang bayan. Nasasa iyo ang ikauunlad ng lugar kasi ikaw ang tumatayong ama ng siyudad o municipalidad. Kailangan mo ng kooperasyon ng karamihan para magtagumpay
Tapos na ang termino ng nakaupong si Kit Nieto nguni’t ilalaban naman ang asawa sa Mayo.
Pinayuhan natin ang 4x na PBA MVP na kung pwede ay bise-alkalde muna ang i-target. Kapag nahinog na ay saka lang umakyat sa pagiging punong lungsod.
Alam natin nasa puso ng numero 16 ng Purefoods ang paglilingkod sa komunidad. Pero timing ang isang mahalagang factor sa pagpalaot sa pulitika ng produkto ng Mapua Institute of Technology at Manila Science High School.
***
Kung kailan hindi pinakamaganda ang rekord sa buong NBA ng Bucks ay saka sila nakapasok sa Finals. Dati dalawang taon silang nasa ibabaw ng standings pero minalas sila sa playoffs.
Ngayon pinapalad talaga kasi kahit nagka-injury si Giannis Antetokounmpo ay naghari pa sila sa East. Na-4-2 ng pangatlo ang panglimang Hawks sa conference nila.
The post Munding at Luring! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: