Facebook

Mga banta sa bansa, timbog sa BI-FSU sa ilalim ni Sy

ILANG Koreano at isang Hapon na pawang banta sa seguridad ng bansa ang dinakip ng Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy sa magkakasunod na operasyon nitong nakalipas na ilang araw lamang.

Unang nahulog sa kamay ng mga operatibang pinamunuan ni Sy ang Koreanong si Lee Jongdae, 38, na wanted sa bansa niya dahil sa iligal na pagtatayo ng mga lugar para sa sugalan at prostitusyon.

Ayon kay Sy, si Lee ay isang ‘fugitive’ mula Korea na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Cheongju District Court noong December 3, 2018 dahil sa paglabag sa Article 247 of the Criminal Act of the Republic of Korea. Pinawalang bisa ang kanyang pasaporte ng Korean authorities, kaya’t siya ay isa nang ‘undocumented, undesirable at overstaying alien.’

Sa operasyong ginawa sa Angeles City, Pampanga, dinakip din ng grupo ni Sy sina Kim Dongheon, 39 at Sun Dong Ho, 32 na nagbabantay noon sa nasabing lugar. Itong si Kim ay undocumented habang si Sun ay may warrant of arrest dahil sa sexual exploitation-prostitution.

Pinakahuling inaresto naman ng grupo ni Sy ang mataas na miyembro ng Yakuza syndicate na wanted sa bansa niya dahil sa pagpatay sa kanyang kababayan sa Japan.

Si Toyama Yuji, 58, ay dinakip sa Roxas Blvd., Manila sa bisa ng mission order na ipinalabas ni BI Commissioner Jaime Morente matapos siyang impormahan ng Japanese authorities ukol sa kanyang mga krimen at diumano, ito ay executive member ng Komura Kai Sagamihara Branch na konektado naman sa Kyokuto Kai wing ng Yakuza syndicate. Ito umano ay bayolente, armado at delikado.

May arrest warrant din ito dahil sa pagpatay sa isang kapwa Hapon 20 taon nang nakalilipas. Nakipagsabwatan umano ito sa lima pang kasamahan para barilin ang biktima na kanilang inilagay sa kotse at dinala sa Sagamihara City upang doon ibaon.

Ang Koreano namang sii Shin Yeongkuk, 40, ay undocumented alien at may kasong fraud sa Korea kung saan niloko umano nito ang kanyang 1,579 kababayan sa Korea sa halagang 3 Billion Korean won

Nawala man ang dating hepe ng FSU na si Bobby Raquepo, itinutuloy naman ng kanyang kahalili at kasamahang si Rendel Sy ang magandang nasimulan ng FSU. Congrats sa grupo ni Sy!!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Mga banta sa bansa, timbog sa BI-FSU sa ilalim ni Sy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga banta sa bansa, timbog sa BI-FSU sa ilalim ni Sy Mga banta sa bansa, timbog sa BI-FSU sa ilalim ni Sy Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.