Bahagi ng pangakong makatulong sa mga naghihirap na iba’t ibang sektor dulot ng pandemya ay nagpadala ng pang-ayuda si Senator Christopher “Bong” Go nitong June 25 para sa daan-daang nawalan ng trabaho sa Balanga City, Bataan.
Ang mga staff ni Go ang nangasiwa ng pamamahagi sa Doña Francisca Covered Court na ang 200 benepisaryo ay pinaggo-grupo sa mas maliliit na bilang para sa pagsunod sa ipinaiiral ng gobyerno na safety and health protocols. Binigyan ng mga pagkain, masks, face shields at vitamins ang mga benepisaryo.
Ilan sa mga benepisaryo ay tumanggap ng bagong pares ng sapatos at ang iba naman ay nabigyan ng bisekleta at ang iba naman ay computer tablets ang natanggap para magamit sa pag-aaral ng kani-kanilang mga anak.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob naman ng financial assistance sa mga benepisaryo at ang Department of Labor and Employment ay pagkakalooban naman ang mga benepisaryo na makabahagi sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.
Sa panayam kay Mark Jayson Tumol, 25 at benepisaryi ng TUPAD ay nagpahayag ng kapag-asahan na ang kaniyang pamilya ay makakaahon din mula sa mga pagsubok na dulot ng pandemya at pinasalamatan nito si Sen. Go sa mga programang inilulunsad bilang pagtulong sa mga apektadong komunidad.
“Salamat po, Senator Bong Go at Pangulong Duterte, dahil nabigyan niyo po kami ng pagkakataon na magkatrabaho kahit ten days lang po, pero malaking tulong na po ito. Itong binigay niyo pong opportunity sa amin, taos puso po kaming nagpapasalamat,” pahayag ni Tumol.
Iginiit din ni Go ang kahalagahan ng bakuna at hinimok nito ang lahat ng Filipino na makibahagi sa vaccination program dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para sa bakunahan.
“Importante po ang target natin, makamit natin ang herd immunity ngayong taong ito. Iyan po ang kailangan para unti-unti na tayong makabalik sa normal na pamumuhay at sumigla muli ang ating ekonomiya,” pahayag ni Go.
Si Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health ay inabisuhan nito ang mga benepisaryo na magtungo ang mga ito sa Bataan General Hospital at Medical Center sa Balanga City o sa Mariveles Mental Wellness at General Hospital sa Mariveles na kinaroroonan ng mga Malasakit Center na handang umasiste para sa kanilang medical expenses.
Bilang pagtiyak para makabahagi sa healthcare services ay inakdaan at inisponsoran ni Go ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act ng 2019. Mula nang mailunsad ang unang Malasakit Center noong 2018 ay mayroon na ngayong 122 Malasakit Center at nakapagserbisyo na sa mahigit 2 milyong Filipino sa buong bansa.
Sinoportahan din ni Go ang economic development ng Bataan tulad ng pagtatayo ng Orani District Hospital na may 150-bed capacity sa Orani; rehabilitasyon ng mga ilog, pagpapatayo ng multi-purpose building sa Hermosa at maraming iba pa.
Noong May 18, si Go na advocate ng sports development ay binisita nito ang Bataan at dumalo sa lagdaan ng Deed of Donation para sa lupang pagtatayuan ng Philippine Sports Training Center sa Bagac, Bataan.
Noong February 2019 ay nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Reoublic Act No. 11214 para sa creation ng PSTC na naglalayong “to promote and develop sports in the country, to achieve excellence in international sports competitions, to ensure success in the country’s quest to achieve competitiveness in the Olympic Games and to promote international amity among nations.”
Inihayag ni Go na upang huwag mag-alangan sa National Academy of Sports (NAS) ay handog ito ng gobyerno sa national athletes. Ang RA No. 11470 ay nilagdaan ni Pres. Duterte para sa ganap na pagsasabatas at maitatag ang National Academy of Sports noong June, 2020 at ai Go ay isa sa mga umakda ng mga panuntunan.
Pinasalamatan ni Go ang mga local government official na patuloy sa pag-asiste sa kanilang.mga komunidad ngayong panahon ng pandemya Ilan sa mga opisyal na kaniyang pinasalamatan ay sina Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III, Governor Albert Raymond “Abet” Garcia, Vice Governor Ma. Cristina Garcia, Mayor Francis Anthony Garcia, SK Federation President Precious Manuel at maraming iba pa.
“Magtiwala lang ho kayo sa gobyerno. Kami po ni Pangulong Duterte ginagawa po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang malampasan po natin itong krisis na ating kinakaharap sa ngayon,” paggigiit ni Go.
The post MGA NAWALAN NG TRABAHO SA BATAAN INASISTEHAN NI GO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: