PERSONAL na dinalhan ng tulong ni Senador Christopher “Bong” Go ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa barangay San Rafael, Navotas city.
Kabilang sa mga dalang tulong ni Go ang mga pagkain, groceries, face mask, face shield, vitamins at ilang bisekleta, sapatos at computer tablet na kanyang pina-raffle.
Kaugnay nito, hinikayat ni Go ang mga estudyanteng kabilang sa mga nasunugan na mag-aral na mabuti para mapasaya ang mga magulang.
Nilinaw ni Go na bagama’t distance learning pa, ang mahalaga ay safe ang mga bata habang tuloy sa pag-aaral ng mga ito dahil mas mahirap aniyang isugal ang pagbabalik sa in-person class dahil posible pa rin ang hawaan sakaling mayroong magpositibo sa COVID-19.
Samantala, inihayag ni Go na maliban sa kanyang mga dalang tulong, may dala ding sariling assistance ang DSWD, DTI, NHA, PCSO at DOH.
Binigyang-diin ni Go na sama-sama sila ng mga ahensiya ng gobyerno na nagdala ng tulong kung saan inilapit ang tulong sa mga nangangailangan para hindi na kailangang ang mga tao pa ang lumapit.
Giit pa ni Go na patuloy ang kanyang pagtulong dahil nawawala ang kanyang pagod kapag nakikita niyang napapangiti niya ang mga kababayang nangangailangan ng tulong. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go inayudahan ang mga nasunugan sa Navotas City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: