HIGIT dalawang buwan nalang at filing na ng certificate of candidacy (CoC) para sa mga gusto mamuno sa Republika ng Pilipinas sa sunod na anim na taon.
Pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na nag-dedeklara para kumandidato sa pagka-pangulo. Bakit kaya?
Samantalang sa mga nagdaang eleksyon, dalawa o tatlong taon palang bago ang halalan ay nagdedeklra na ang mga tatakbo sa pagka-presidente, naglalatag na ng kanilang mga programa.
Ibang-iba ngayon. Takot ang mga kandidato na magdek-lara ng maaga. Siguro dahil sa pangambang mabanatan agad ng mga trapong kalaban.
Oo! Natoto narin siguro ang mga politiko sa mga nakaraang presidential elections na ang mga nagdedeklara ng maaga ay sila pang natatalo. Remember late Raul Roco, ex-Senator Manny Villar and ex-Vice President Jojo Binay? Ilan lang sila sa presidentiables na tatlong taon palang bago ang halalan ay nagdeklara na ng pagtakbo. Nanguna sila sa mga survey, halos 99 percent ang kanilang rating. Pero nang malapit na ang halalan ay inupakan sila nang inupakan ng mga kalaban. Resulta: Laglag sa botohan!
Naalala nyo rin ang mga presidente na walang balak maging presidente pero naging presidente ng bansa?
Si late Noynoy Aquino noong 2010. Wala itong ambi-syon maging lider ng Pilipinas. Ang naghahangad noon pamunuan ang bansa ay ang No. 1 billionaire ngayon ng Pilipinas na si noo’y Senate President Villar, na tatlong taon palang ay nagdeklara nang tatakbong presidente. Pero biglang namayapa ang ina ni Noynoy na si ex-President Cory, kungsaan halos buong bansa ang nagdalamhati, dahilan para ikasa ng “dilawan” ang kandidatura ni Noynoy ilang buwan bago ang filing ng CoC. Ayon! Landslide si Noynoy.
Ganito rin ang nangyari kay Binay. Tatlong taon pa bago ang halalan ay nagdeklara na ito ng kanyang kandidatura. Halos 100 percent ang kanyang rating sa mga survey. Pero nasilipan siya ng mga kalaban. Nabuking ang katiwalian ng kanilang pamumuno sa Makati City. Nabunyag ang kanilang mga tagong yaman. Resulta: Bumagsak ang kanyang popularidad. Na nakita naman ng mga nagsusulong sa kandidatura ni noo’y Davao City Mayor Rody Duterte.
Si Duterte ay nag-file ng kanyang CoC sa huling ilang araw ng extention ng filing, pinalitan niya ang nagwidrong kapartido na si noo’y Barangay Chairman Martin Diño, Usec. ngayon ng DILG for Barangay Affairs.
Dahil wala nang panahon para gibain pa ng mga kalaban si Duterte, umariba ito sa tulong narin ng mga Marcos, Arroyo, Cayetano, Floirendo, INC at mga NPA. Panalo! Nakakuha siya ng higit 16 million votes!!!
Ito ang natutunan ng mga politiko na naghahangad maging pangulo ng bansa sa 2022. Takot silang magaya kina Roco, Villar at Binay. Ang sinusundan nilang ideya ngayon ay ang nangyari kina Noynoy at Duterte. Mismo!
Anyway, kahit hindi man sila magdeklara ng maaga, mababasa naman sa kanilang mga galaw at pananalita ang kanilang plano sa presidential race sa 2022.
Ito’y sila Sara Duterte-Carpio, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, ex-Sen. Bongbong Marcos, Cong. Alan Peter Cayetano, at Vice President Leni Robredo.
Labo-labo ang pitong ito kapag hindi bumaba sa Vice President ang iba. Balwarte-balwarte ang magiging laba-nan dito kung sakali. Ang filing ng CoC ay sa Oktubre na!
The post Mga takot magdeklara sa pagkapangulo sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: