Facebook

‘Pagsuntok sa dibdib ng nasawing kadete ng PMMA, lambing lang’

ISA lamang umanong uri ng paglalambing kung ituring ng salarin ang ginawa nitong pananakit na sanhi ng kamatayan ng isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Sinabi ni Cadet Third Class Jomel Gloria na kaya niya sinuntok si Cadet Fourth Class Jonas Bondoc bilang pagpapaalam dahil nakatakda na itong umuwi sa Mindanao para sa break.

Sa imbestigasyon naman ni Zambales Police provincial director Colonel Romano Cardino, ang tawag doon ay “Kaldag” kungsaan matapos na bigyan ng salarin ng isa ang biktima ay nagtawanan pa sila at inulit muli.

“Scheduled mag-break ‘yong victim, uuwi siya ng Mindanao, so sabi niya (Gloria), ‘Matagal na tayong hindi magkikita kabayan so I’m happy for you. Makakauwi ka na sa atin. Good luck!’ Parang ganoon. Parang, ‘Pabaon ko lang ito, lambing lang,’” lahad ni Cardiño.

“‘Kaldag’ nga ang tawag nila. Unang beses tapos tawanan sila. Tapos isang beses pa ulit, ‘Oh, isa pa, isa!’ ‘Yon, ‘pag ‘kaldag’ daw niya ng pangalawang beses, doon na daw nag-collapse.”

Sa pangalawang beses doon na lamang niya naramdaman ang nasabing sakit na sanhi ng kamatayan nito.

Wala rin aniyang alitan ang dalawa at sa katunayan ay magkaibigan pa ang mga ito.

Inihanda na ng pulisya ang kasong Homicide laban kay Gloria at ito ay tinanggal na bilang kadete sa akademya.

The post ‘Pagsuntok sa dibdib ng nasawing kadete ng PMMA, lambing lang’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Pagsuntok sa dibdib ng nasawing kadete ng PMMA, lambing lang’ ‘Pagsuntok sa dibdib ng nasawing kadete ng PMMA, lambing lang’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.