TRENDING ngayon sa lungsod ng Parañaque ang dagdag-tara na kino-kolektong ng isang alyas ARBIE at alyas RICKY na para raw sa Parañaque PNP at SPD-DID ngayon pagpasok ng Disyembre.
Ang siste, umaaray ang mga maliliit na beer house sa dagdag-TARYA sa mga nagpapakilalang bagman umano nina SPD-District Intel Division at Parañaque PNP itong alyas RICKY at ARBIE na mga nagpakilalang pulis.
Gaya na lamang sa mga nakahilirang Beer House, KTV Bar at Entertainment Bar sa Air Port Road sa Parañaque na ang kolek-TONG na hinihingi nitong dalawang animal na alyas RICKY at ARBIE para diumano sa mga nabanggit na tanggapa ay 10k linggohang intelihensya.
Sa kahabaan naman ng Roxas Blvd., 20k pataas kada linggo. Sa mga liblib o naka tagong Beer House naman ay 5k ang kino-KOLEKTONG kada lingo ng mga tarantadong ARBIE at RICKY sa mga kaawa-awang mga operator.
Mas matindi ang pitsaan sa mga pipityuging Beer House na nirerentahan lamang ng mga pobreng KTV Bar operator ang mga pwesto.
Obligado kasi na maghatag ang mga night club operator kada linggo kay ARBIE at RICKY para hindi na sila hulihin ngayon nalalapit na kapaskuhan.
Iba pa raw ‘yun libreng inom pulutan at babae ng mga nagpapakilalang sagradong bata ng SPD-DID at Parañaque PNP tuwing nagpapalipas diumano ng oras ang mga kumag.
Pesteng YAWA!
Para palang mga linta ang mga hinayupak na ‘yan!?
Lumalabas daw na dalawang tara ang kinokolektong ng tropa nina ARBIE at RICKY. Isa para sa SPD-DID, isa para sa Parañaque PNP.
SPD-DID Chief, PLtCol Renante Galang at Parañaque City Chief of Police Col Maximo Sebastian, mga Sir, may kinalaman ba kayo sa mga katarantaduhan na ito nina ARBIE at RICKY?
Aba’y kung WALA e paimbestigahan at ipahuli ninyo ‘yang mga putragis na yan na nagpapakilalang kolektong ng mga opisina ninyo?!
Kinakaladkad ng dalawang ogag na yan ang malinis ninyong pangalan?
Naka blotter na raw ang mga yan sa Barangay maging yong kaning mga ginagamit na sasakyan kapag nangongolek-TONG!
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Pataas “tara” ng kolektong sa Parañaque, inalmahan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: