SA kabila ng mga donasyong ipinagkakaloob sa iba’t ibang mga institusyon at sa papremyong ibinibigay sa mga nananalong mananaya ng LOTTO ay hinde pa rin masasaid ang pondo dahil may isang bilyong piso pa ang pondo ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO).
Ito ang pagtitiyak ni Philippine PCSO GENERAL MANAGER ROYINA GARMA sa isinagawang PRESS CONFERENCE sa kanilang tanggapan sa SHAW BLVD., MANDALUYONG CITY nitong Martes na mayroon pa ring ONE BILLION PESOS na pondo ang kanilang ahensiya.
Gayunman, kailangan pa rin umano nilang mapataas ang kanilang pondo kasunod ang panghihikayat sa mamamayan na magsitaya sa LOTTO at nanawagan din si GARMA sa LAW ENFORCERS na supilin ang lahat ng uri ng ILLEGAL GAMES.
Mula noong May 28 ng kasalukuyang taon hanggang nitong July 1 ay may 7 mananaya ng LOTTO ang nanalo. Sa LOTTO OUTLET ng LIPA CITY, BATANGAS tumaya ang nanalo noong May 28 na ang Jackpot Prize ay P49,500,000.00.
P10,032,090.40 naman ang Jackpot prize noong June 5 na ang nanalo ay tumaya sa isang outlet sa SAN MATEO, RIZAL. Nitong June 7 naman ay sa BAGUIO CITY, BENGUET naman ang nanalo sa 6/55 Jackpot P29,700,000.00; sa isang outlet naman sa SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA ang nanalo sa 6/42 Jackpot prize na P15,445,170.20.
Naging milyonaryo naman ang tumaya sa CALBAYOG CITY, SAMAR na ang Jackpot prize P49,500,000.00 para sa 6/58 noong June 22, 2021; sa CALAMBA CITY, LAGUNA naman ang nanalo ng P54,420,510.00 sa 6/45 nitong June 30, 2021; at P84,057,406.00 Jackpot prize naman para sa SuperLotto 6/49 na tumaya nitong July 1 sa NASUGBU, BATANGAS.
“I was hoping next time or next year that we will allot draws. We will be inviting you to help us sell the tickets to help promote or advertise to our fellow employees especially for the draws that have been allotted to you,” pahayag ni GARMA.
Sa ginanap na PRESS CONFERENCE ay ipinamahagi rin ng PCSO ang mga tsekeng mandatory contributions na P74,549.46, ang ibinigay sa PHILIPPINE SPORTS COMMISSION; P18,481,431.00 para sa COMMISSION ON HIGHER EDUCATION; P278,420.00 naman para sa GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES; at ang PHILIPPINE RED CROSS ay pinagkalooban naman ng P767,110.68.
Sa NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ay binigyan ng P3,059,821.84 para sa buwan ng January 2021 at P3,255,594.54 para sa buwan ng February. Ang PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) naman ay P7,622,576.11 para sa buwan ng January at P8,165,973.59 sa buwan ng February.
“I encourage all the agencies that we have given funds that they would be able to deliver this assistance to those who are most in need, especially indigent people served by your agency,” pahayag ni Garma.
Bunsod nito ay nanawagan si GARMA sa NBI at PNP na aniya ay masupil ang lahat ng illegal numbers game…, sa gayon ay mapalakas naman daw ang sales ng LOTTO at SMALL TOWN LOTTERY (STL).
“We really need more funds…, and to generate more funds is for us to be able to sell more tickets,” pagpupunto ni GARMA.
Lumalabas na ang kabuuang CHARITY FUNDS ng PCSO ay 50% ang napupunta sa PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION bilang panuporta sa UNIVERSAL.HEALTH CARE PROGRAM ng gobyerno!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Pondo ng PCSO bilyon! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: