Facebook

16,625 TAGUIGENOS, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

NAKAPAGTALA umano ng mataas na bilang 16,625 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Taguig dahilan upang masungkit nito ang 200 percent ng National Vaccination Operations Center’s target na 8,000 kada araw.

Labis na ipinagmalaki ng Taguig City government ang walang humpay na pagtutulungan ng mga healthcare workers at vaccination team na nagsakripisyo upang mapigilan at bumaba ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Nagpasalamat din ang City government sa lahat ng Taguigenos na nagpakita ng tiwala dahil sa patuloy nilang pagpapabakuna sa vaccination hubs, vaccination bus at home service vaccination naman para sa mga pasyente na mayroong kapansanan.

Nanawagan naman si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa mga unvaccinated Taguigenos na samantalahin ang pagkakataon na ibinigay ng gobyerno para sa free vaccination hanggat hindi pa nagsisimula ang Enhance Community Quarantine ( ECQ) sa darating na August 6 hanggang August 20, 2021.

“More vaccines would be made available especially amid the threat of the Delta variant, which is becoming the globally dominant variant due to its transmissibility.” ayon kay Cayetano

Sa kabila nito, inihayag naman ng Department of Health ( DOH) na ang banta ng Delta variant ay mas higit na mapanganib dahil 60 percent nito ay madaling makahawa.(Jojo Sadiwa)

The post 16,625 TAGUIGENOS, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
16,625 TAGUIGENOS, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 16,625 TAGUIGENOS, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.