Facebook

Survey: Bong Go, No.1 sa Senatorial trust rating

KUNG sino sa mga kasalukuyang senador ang pinakamapagkakatiwalaan, batay sa isang survey ay si Senator Christopher Bong Go ang siyang nangunguna sa listahan.

Sa survey sa 1,500 rehistradong botante na isinagawa ng Publicus Asia, si Senator Go ang ranked no.1 kung usapin sa “overall trustworthiness” ang pag-uusapan sa hanay ng mga kasalukuyang miyembro ng Senado.

Ang Pahayag-Quarter 2 survey ay isang independent at non-commissioned poll na isinagawa ng Publicus Asia sa panahon ng Hulyo 13 hanggang 19, 2021.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Go sa mga Filipino na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya at sa Duterte administration.

“Maraming salamat sa mga kababayan nating nagtitiwala sa aking kakayahan at intensyon na mag-serbisyo ng tapat at lubos. Kayo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas namin upang ipagpatuloy at paigtingin pa lalo ang serbisyo namin para sa kapakanan ng bawat Pilipino,” ang sabi ni Go.

“Kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa abot ng aming makakaya. Sa mga kasamahan ko, sana gamitin natin itong inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang ating serbisyo sa taumbayan bilang pagkilala sa tiwala na ibinibigay nila sa atin,” patuloy niya.

Sa naturan ding survey, Top 3 naman si Go sa hanay ng mga senador kung performance sa Senado ang pag-uusapan.

Samantala, nananatili ring napakataas ng trust at performance ratings ni Pangulong Duterte sa nasabi ring survey.

Sa kanyang talumpati sa binuksang ika-131 Malasakit Center sa DO Plaza Memorial Hospital, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur, masayang-masayang sinabi ni patuloy niyang tututukan ang mga concern para matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa gitna ng mga krisis.

“Ulitin ko lang po sa mga kapwa ko Pilipino, maraming salamat po sa inyong tiwala, at mas lalo pa po akong magsisipag na makapagserbisyo po sa ating kapwa Pilipino… pero importante po malampasan muna natin itong krisis dulot ng COVID-19. Unahin muna natin na malampasan natin itong krisis na ito,” ani Go.

“Pulitika, mamaya na po yan, bakuna muna bago ang pulitika, ‘yan po ang importante sa ngayon, ‘yan po ang inaantay ng Pilipino ngayon na makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” idinagdag ng senador.

Idiniin ni Go na dahil sa tiwala sa kanya ng mga Filipino ay lalo siyang nagkakaroon ng malakas na motibasyong ipagpatuloy an kanyang tungkulin bilang senador at public servant.

“Ulitin ko lang salamat po sa tiwala. Lalo akong gaganahan na magtrabaho, nakakawala po ng pagod. Sa totoo lang po, hirap kami ni Pangulong Duterte sa sitwasyon ngayon pero kapag nakikita po namin ang mga Pilipino na masaya — makapag-iwan man lang kami ng konting ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati — nawawala po ang pagod ko,” ayon kay Go.

Nang tanunin kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2022, muling isinantabi ni Go ang mga espekulasyong ito sa pagsasabig hindi siya interesado.

“Pero let me repeat kung tungkol po sa pulitika, I am not interested. Count me out… alam ko po ang hirap ng trabaho ng isang pangulo, witness po ako dyan nakikita ko po si Pangulong Duterte, napakahirap po ng trabaho ng isang pangulo, napakahirap talaga,” ani Go.

“I leave my fate to God, I leave my fate to the Dutertes — kung anuman po ang maging desisyon nila suportado ko, and to the Filipino people… sa mga kapwa kong Pilipino na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagserbisyo, kaya nagpapasalamat po ako sa inyo at hindi ko sasayangin ito,” ayon sa mambabatas.

The post Survey: Bong Go, No.1 sa Senatorial trust rating appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Survey: Bong Go, No.1 sa Senatorial trust rating Survey: Bong Go, No.1 sa Senatorial trust rating Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.