LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag ang 42-anyos na panadero nang arestuhin sa kasong panggagahasa sa Gigmoto, Catanduanes.
Kinilala ang dinakip sa pangalang “Vladimir”, residente ng Barangay Sioron sa bayan ng Gigmoto.
Sa ulat, nahaharap ang akusado sa 161 counts sa kasong ‘Rape’.
Mismong ang bunsong anak na lalaki nito ang nagsumbong sa mga otoridad hinggil sa ginagawang kababuyan ng ama sa kanyang apat na mga kapatid na babae.
Ayon sa report, nangyari ang krimen noong Hunyo hanggang Disyembre 2019, Enero hanggang Mayo 2020, Oktubre hanggang Disyembre 2020 at Enero hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon.
Nitong Pebrero nang isumbong ng anak na lalaki sa kanyang lola ang kalasawaan ng kanilang ama.
Itinuturing naman si “Vladimir” na ‘Number 1 Provincial Most Wanted Person’ ng Catanduanes at nasa kustodiya na ngayon ng nakakasakop na himpilan ng pulis para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, ni-rescue narin ang apat na biktima kasama ang iba pang kapatid at inilipat na sa isang ligtas na lugar.
The post BABOY MO!: Ama huli sa 161 counts ‘Rape’ sa 4 anak! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: