NANGUNGUNA si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang ama na si President Rodrigo Duterte sa presidential at vice presidential surveys na isinagawa ng OCTA Research nitong nakalipas na Hulyo.
Base umano sa OCTA’s Tugon ng Masa National Survey na isinagawa sa bansa simula Hulyo 12 hanggang 18 at ipinakita na 28% ng adult Filipino respondent na tinanong posibleng suportahan si Sara’s sa presidential bid sa 2022 Election.
Ayon pa sa ulat, sinundan si Sara ng dating senator Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., na may 13%, Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 11% at Senators Grace Poe at Manny Pacquiao na may 10% bawat isa.
Kaugnay nito nabatid pa sa survey ang iba pang presidential poll, sinundan nina Vice President Leni Robredo, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, at Senator Christopher “Bong” Go na may 5%; Senate President Vicente Sotto III na may 3%; Senator Panfilo Lacson na may 2%; former vice president Jejomar Binay na may 2%; at Senator Richard Gordon at former Senator Antonio Trillanes na may 1%.
Kaugnay nito sa dagdag na ulat, ayon pa sa survey ang 6% ng adult Filipino respondent, sinabi na hindi pa nila alam kung sino ang kanilang iboboto at tumangging sabihin ang pangalan ng kandidato o hindi sila boboto sa 2022 presidential elections.
Nabatid pa poll na ipinapakita na 18% ng respondent, sumusuporta sa Duterte’s posible sa vice presidential bid.
Nabatid pa sa ulat na ang survey ay ipinapakita na si Moreno na nasa pangalawa na may 11%, habang si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na may 10%, habang si Poe na may 10% at Marcos na may 9%.
Habang sinundan naman ni Sotto na may 7%, Pacquiao na may 6%, Escudero na may 5% at Go at Lacson na may 4% bawat isa.
Samantala seven percent ng adult Filipino respondent naman ang nagsabi ang nagsabi na hindi nila alam kung sino ang kanilang iboboto, at tumangging sabihin ang pangalan ng kandidato na kanilang na pupusuan o hindi sila boboto sa vice presidential polls.(Boy Celario)
The post OCTA: Sara, Digong nangunguna sa presidential at vice presidential polls appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: