Facebook

CONG. BAMBOL, BUWENAS NA POC TOP BRASS

AS of presstime ay patuloy pa rin sa kanilang quest for gold ang ating Philippine Olympic boxing team sa kasagsagan ng Tokyo Olympics sa Japan.

Hindi naman namaalam si Carlo Paalam ng Pilipinas matapos niyang gapiin via split decision ang Uzbek pug na defending Olympic champion upang makaseguro ng bronze at umusad sa semifinals. Ang siste ay makakalaban niya para sa finals ang karibal mula host Japan na notoryus sa hometown decision.

Tulad ng nangyari sa ating pambatong lady boxer na si Petecio na naolat via unanimous kontra bugbog-saradong Haponesa na siya pa ring tinanghal na gold medalist at nakuntento na lang sa silver ang dating world champ na Pinay.

Kaya kung nais ni Paalam ng madale ang boxing gold, kelangang patulugin nito ang Hapones na si Tanaka dahil kung aasa lang sa puntusan ay tiyak na goodbye na si Paalam.Huwag naman!

Ang kalibre ng isa pang pambato nating si boxer Eumir Marcial ang may malaking tsansang susungkit ng ginto dahil sa lakas ng bigwas nito at taob ang kanyang mga naunang kalaban sa first round pa lang.Marcial Law: No need for judges and scorecards.

Natitirang gold potential natin si EJ Obiena ng pole vault( kagabi),Si Carlo at Marcial at ang best bet nating lady golfer na si Saso.Gold pa more!

Bulls-eye na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kanyang pre-Olympic prediction na ‘minimum of one gold medal’ ang maiuuwing karangalan ng Filipino Olympians na sumasabak sa nagaganap na Tokyo Olympics sa Japan.

Bago sumabak ang Team Philippines sa Tokyo ay buong kampanteng ipinahayag ng pinuno ng POC sa virtual press conference na magiging realidad na ang halos isang siglong pangarap ng sambayanang Pilipino na buwenamanong ginto sa Olympiyada.

Ang sandali ng katotohanan ay nakamtan matapos maiangat ni Pinay weightlifting icon Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold para sa bansa nang kanyang pagreynahan ang 55 kg.class woman’s weightlifting.

“A minimum of one gold. More than that ay sobrang blessing na mula sa Itaas. Lahat ng ating natitirang olympians ay potensiyal na magde-deliver ng karagdagang gold para sa bansa.” ipinahayag ni Tolentino – 8th District Representative din ng lalawigan ng Cavite.

Itinuturing na buwenas si Cong. Bambol sa Philippine Sports top hierarchy, patunay ito nang magkampeon overall ang Team Philippines noong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 sa naunang termino nito bilang POC president. Kaagapay niya sa suwerte at aruga sa mga atleta ng bansa ang Philippine Sports Comission, PHISGOC, Senate Committee on Sports ni Senator Bong Go sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Cong. Tolentino ang siyang pangunahing nagsulong sa Kongreso ng karagdagang financial support para ating mga atleta partikular ang mga nag-qualify sa Tokyo Olympics 2020 na napatagal ang ensayo dulot ng pandemya.

Lowcut: A Japanese national based in the Philippines Keiji Katayama predicted two years ago during an Uppercut interview that Filipina weightlifting icon Hidilyn Diaz will lift her historic first Olympic gold for our country .That no- holds- barred forecast by Katayama – a member of the Philippine baseball team coaching staff that won the SEAGames 2019 gold in Clark is now a reality and it happened in his home country Japan..Domo Arigato Keiji san!

The post CONG. BAMBOL, BUWENAS NA POC TOP BRASS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CONG. BAMBOL, BUWENAS NA POC TOP BRASS CONG. BAMBOL, BUWENAS NA POC TOP BRASS Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.