LEGAZPI CITY – Malamig na rehas ang kinasadlakan ng 30-anyos na misis at kalaguyo nitong 65-anyos nang ipakulong ng mister sa kasong adultery sa Malinao, Albay.
Ayon kay Police Major Diome Cardano, hepe ng Malinao Municipal Police Station, nakikita ng ibang ka-barangay na magkasama ang babae na si alyas “Ligaya” at kalaguyo nitong si alyas “Berting”.
Nang mabalitaan ito ng mister ng babae, kinompronta nito ang kanyang misis hinggil sa napapabalitang mayroon itong ibang karelasyon.
Inamin naman umano ito ng babae kung kaya hindi nagdalawang isip ang mister na kasuhan ang mga ito matapos makitaan ng ebidensya para sa kasong adultery.
Sa bisa ng ‘arrest warrant’ na may petsang Hulyo 12, 2021, dinakip sina Ligaya at Berting. Nagrekomenda ang korte ng P36,000 piyansa bawat isa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.
The post Misis at kabit ipinakulong ni mister appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: