![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/08/bong-go-21.jpg)
PINAYUHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagadalawang-isip at hindi pa bakunadong Filipino na magpabakuna na bago pa mahuli ang lahat at magsisi, lalo’t patuloy ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Go na dapat samantalahin ng publiko ang oportunidad na magkaroon ng bakuna para na rin sa kaligtasan ng sarili at ng pamilya laban sa COVID-19.
“Marami pa po ang nag-aalinlangan sa pagpapabakuna pero pansinin niyo po, kadalasang namamatay o nagkakasakit ng severe ay ang mga ‘di bakunado,” sabi ni Go.
“Kaya mag-isip kayong maigi… ‘yung panahon na tamaan kayo ng COVID-19. Hindi naman po ito pilitan, nasa datos naman po na itong bakuna ang solusyon para makabalik unti-unti sa normal na pamumuhay,” idinagdag niya.
Nagpaalala ang senador sa publiko na huwag magpakakampante matapos ibaba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang Metro Manila, Laguna, at Bataan sa mas pinaluwag na community quarantine classifications na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
“Tayo naman po, ilang beses nang pabalik-balik sa ECQ at pagluluwag, pabago bago po galaw ng kalaban (na COVID-19). Subalit di tayo dapat magbago sa ating tungkulin (bilang mga responsableng mamamayan).”
“Dalawa lang ang susi: bakuna at disiplina ng bawat Pilipino. ‘Di po biro ang COVID-19, nasa 17th o 18th month na tayo ay patuloy pa ring tumataas di lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ang ginagawa po ng gobyerno ay based on good science,” paliwanag ni Go.
Ayon kay Go, batay sa datos ng mga health expert, maraming indibiduwal na wala pang bakuna ang mas nahahawahan ng virus.
“Importante po sa amin ni Pangulong Duterte ang buhay ng bawat Pilipino. Ang pera po ay kikitain natin pero ang perang kikitain natin ay ‘di po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever.”
“Marami pa po ang nag-aalinlangan sa pagpapabakuna pero napapansin ko po, kadalasang namamatay o nagkakasakit ng severe, yun po ang mga di bakunado. […] Halos lahat ng nasa ospital ay di pa bakunado. Kung mahal nyo anak nyo at pamilya nyo, magpabakuna na kayo,” ayon kay Go.
Sinabi ng senador na kapag marami nang bakunado at bumaba na ang bilang ng mga nagkakasakit sa mga komunidad, maaari nang luwagan ang mga restrictions at makapagbubukas na muli ang ibang mga industriya. Dadami na rin ulit, aniya, ang trabaho at lalago na muli ang kabuhayan ng mga Pilipino.
“Hikayatin natin ang bawat isa na parte ng priority groups na magpabakuna na po. Libre naman po itong bakuna para sa mga Pilipino. Pinaghirapan po natin ang mga bakunang ito na makuha. Agawan ito sa buong mundo,” he said.
The post Bong Go: Magpabakuna, bago mahuli ang lahat appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: