CAGAYAN DE ORO CITY – Iminumungkahi ni City Mayor Oscar Moreno na mag-resign nalang sa pagiging pulis ang isang opisyal ng Cagayan de Oro City Police Office at sumabak sa local politics sa Cagayan de Oro City sa 2022 elections.
Ito ang nanggagalaiti na reaksyon ni Moreno nang ibinulgar ni COCPO Deputy Director for Administration Lt. Colonel Lemuel Gonda na walang kooperasyon ang city government sa rekomendasyon na dapat isailalim sa “granular lockdown” ang apat na barangay ng lungsod na napasok ng COVID-19 Delta variant.
Inihayag ni Moreno na hindi katangi-tangi ang inaasal ni Gonda bilang police officer na gagawa ng demolition job sa kasagsagan ng pinaigting na kampanya laban sa virus na lalong lumaganap sa lungsod.
Hinamon ng alkalde na kung gusto ni Gonda na sasabak sa politika ay mabuti na mag-resign na lamang ito upang makapagkampanya siya ng patas.
Una nang ibinunyag ni Gonda na hindi binigyang diin ni Moreno ang kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat isailalim kaagad sa “granular lockdown” ang partikular na barangay na nagtala ng Delta variant upang mapigil ang infections sa mas marami pang tao.
Sa ngayon, naglabas na ng “gag order” ang COCPO na umiwas na si Gonda na magbigay ng karagdagang komento sa patutsada ng alkalde at magpokus sa kanilang trabaho bilang mga alagad ng batas sa lungsod.
The post CdeO mayor at PNP officer nagkainitan sa isyu ng Delta variant appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: