‘Father’ yumayaman gamit si Batangas Gov. Mandanas at BGen. Cruz kaladkad ni ‘Kap. Biskkotso’ sa tara
SA aking pagkakalam, mahusay si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa larangan ng pangangasiwa ng badyet.
Kaya, maganda ang kanyang pangangasiwa sa pondo ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.
Maliban sa tamang alokasyon sa lahat ng programa, proyekto, operasyon at buwanang sahod ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, walang kinukulimbat si Mandanas sa naturang pondo.
Wala akong nabalitaang inakusahan si Mandanas ng katiwalian at korapsyon.
Ang nakarating na impormasyon sa akin mula sa mapagkakatiwalaang source ay mayroon isang taong nagpapakilalang malapit, pinagkakatiwalaan at kaututang-dila umano ni Mandanas na kilala sa bansag na alyas “Father”.
Kung umasta raw ang alyas Father na ito ay mistulang “Little Governor”.
Pokaragat na ‘yan!
Bantog na bantog daw itong si alyas Father sa mga taong pasok sa jueteng at bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charuity Sweepstakes (PCSO) dahil ibinida raw nito na “bagman” o “kolektor” siya ni Governor Mandanas.
Pokaragat na ‘yan!
Totoo ba ito Father?
Hindi ako makapaniwalang mayroong bagman ang gobernador.
Mungkahi ko, ipabusisi ni Gov. Mandanas ang alegasyong ito dahil kung totoo ang paggamit ni alyas Father sa kanya upang makakolekta sa illegal gambling lords sa Batangas.
Mag-eeleksiyon pa naman kagalang-galang na gobernador.
Kahit anong pagpapabango at pagpapapogi ni Mandanas ay balewala dahil ginagawa ng nasabing alyas Father.
Tila isang anay itong alyas Father na ito na tahasang sumisira sa pangalan ni Mandanas.
Simula nang mapadikit kay Mandanas ang nasabing alyas Father ay madalas nang naging ‘hot topic’ gobernador dahil sa mga iregularidad na pinasok umano ng nasabing tao.
Ngunit, kapag sipatin at pag-aralang mabuti ay hindi totoong sangkot si Mandanas.
Kaso nga, nagmarka nang sanggang-dikit ni Mandanas si alyas Father, kaya kaladkad na kaladkad ang pangalan ng gobernador sa mga napapabalitrang korapsyon sa pamahalaang panalalawigan, kabilang na ang pangungolekta ni alyas Father sa mga gambling lord.
Ngunit, bukod sa iligal na sugal sa maraming bahagi sa Batangas, yumayaman din si alyas Father sa mga taong nasa likod ng “paihi” ng produktong petrolyo sa mga barkong nakabase sa Batangas.
Pokaragat na ‘yan!
Napakatindi ng papel ng nasabing tao dahil ito umano ang humaharap sa mga taong hangad na makipag-usap kay Governor Mandanas.
Wala umanong kamuang-muang si Mandanas sa diskarte ng naturang alyas Father.
Talaga?!
Pokaragat na ‘yan!
Ayon sa source, katuwang ng nagyayabang na bagman ni Governor Mandanas ay isang taong tinatawag sa mundio ng iligalidad na “Kap. Biskkotso”
Ibinulgar ng source na bukod sa pagiging bagman o kolektor, itong si alyas Kap. Biskkotso isa ring gambling operator sa Lungsod ng Tanauan.
Ibinunyag ng source na mayroong rebisahan ng jueteng sa Barangay 7, Poblacion sa Tanauan si alyas Kap. Biskkotso.
Pokaragat na ‘yan!
Napakatinik pala nitong alyas Kap. Biskkotso na ito – bagman na, gambling operator pa!
Hindi naman si Mandanas ang ipinangungolekta nito, kundi opisyal daw ng Philippine National Police (PNP) sa Rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Dahil talamak, lantaran at garapal ang ilegal na sugal sa Batangas, hindi lang wasak ang pangalan at imahe ni Mandanas, kundi maging ni Brigadier General Eliseo DC Cruz.
Nadamay si Regional Director Cruz dahil taklesa umano itong si alyas Kap. Biskkotso.
Kapag mga kapwa niya illegal gambling operator ang kausap at kung dinaraanan ang mga sinisingil niyang jueteng at STL bookies lords sa napakaraming barangay sa Batangas ay walang ibang bukang bibig, kundi si BG Cruz.
Alam kaya ni BG Cruz ang ginagawa ng daldalerong alyas Kap. Biskkotso?
Dapat Sana ipahanting ni Cruz ang nasabing gambling operator dahil siya ang dudungis at sisira sa ‘kandidatura’ ng heneral sa pagiging hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Abangan!
The post ‘Father’ yumayaman gamit si Batangas Gov. Mandanas at BGen. Cruz kaladkad ni ‘Kap. Biskkotso’ sa tara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: