Facebook

Trike driver ‘pinako’ ng pasaherong Nigerian

PATAY ang isang tricycle driver nang hatawin ito ng kahoy na may mga pako ng isang pasaherong Nigerian national, Lunes ng hapon sa Dagupan City.

Kinilala ang biktima na si Dennis Razo, 41 anyos, ng Barangay Lucao ng nasabing lungsod.

Nadakip naman ang salarin na kinilalang si Emmanuelemeka Endukwe.

Sa report ng Dagupan Police Station, naganap ang insidente Lunes ng hapon sa paradahan ng tricycle sa Barangay Tapuac.

Ayon sa ulat, sumakay sa biktima ang salarin at tinanong kung saan ang punta, na ikanagalit ng huli. At bigla na lamang pinagpapalo ng banyaga ang trike driver ng kahoy na may pako sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kaagad namang nahuli ng mga awtoridad si Endukwe.

Nabatid, na may rekord narin sa pulisya si Endukwe ng kasong grave threat at ngayon ay nahaharap sa kasong pagpatay.

The post Trike driver ‘pinako’ ng pasaherong Nigerian appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Trike driver ‘pinako’ ng pasaherong Nigerian Trike driver ‘pinako’ ng pasaherong Nigerian Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.