TADTAD ng saksak at walang buhay nang matagpuan ang isang ginang sa loob ng bahay nito nang makipag-inuman sa Atimonan, Quezon
Kinilala ang biktima na si Lorena Deseo, 51 anyos, residente ng Purok Bagong Silang, Barangay Angeles Atimonan.
Sa report ng Atimonan Police Station, nakita ang bangkay ng biktima sa silid nito na naliligo sa sariling dugo.
Ayon sa ulat, dumayo ng inuman sa tatlong lugar ang biktima at ang pinakahuli sa kanyang bahay.
Unang nakainuman ng biktima sina Arwin Vasquez at Eva Espaniola sa bahay ng isang barangay tanod sa naturang lugar, at pagkatapos lumipat ang mga ito sa bahay ng isang nagngangalang “Jo” sa Barangay Balubad ng naturang bayan.
Hindi parin nakuntento ang biktima, tinuloy pa ang inuman nito sa isang Deo Aguilar hanggang sa umabot pa ito sa kanilang tahanan.
Sinabi naman ni Aguilar na nang maubos nila ang alak ay nagpasya na itong umuwi sa kanyang bahay.
Subali’t makalipas ang ilang minuto, nakarinig ang mga kapitbahay ng biktima ng ingay mula sa loob ng bahay nito hanggang sa nadiskubre na lamang ang duguang bangkay nito.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.
The post Ginang nakipagwalwalan, inatado ng saksak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: