![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/08/doh-3.jpg)
NASA mahigit 125,000 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 16,044 bagong kaso ng sakit nitong Linggo.
Batay sa case bulletin no. 526 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,839,635 ang total COVID-19 cases sa bansa hanggang Agosto 22, 2021.
Sa naturang bilang, nabatid na 6.8% pa o 125,900 ang kabuuang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama ang 93.8% na mild cases, 3.4% na asymptomatic, 1.2% na severe, 0.94% na moderate at 0.6% na kritikal.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 13,952 pang bagong gumaling sa sakit, kaya’t umaabot na ngayon sa 1,681,925 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.4% ng total cases.
Mayroon namang 215 pang pasyente ang iniulat na binawian ng buhay dahil sa karamdaman kaya nasa 31,810 ang total COVID-19 death toll sa bansa o 1.73% ng total cases.
Ayon pa sa DOH, mayroon rin silang 460 duplicates na inalis mula sa total case count.
Sa naturang bilang, 427 ang recoveries at isa ang patay.
Mayroon ding 120 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit kalaunan ay natukoy na namatay na pala, sa pinal na balidasyon.
Ayon sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 20, 2021 habang mayroong anim na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 16,044 bagong kaso; 13,952 gumaling; 215 patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: