Facebook

‘Libreng sakay ng LRT2, MRT-3 at PNR sa mga vaccinated APORS sa piling oras nalang’

INIHAYAG ng pamunuan ng LRT-2, MRT-3, at Philippine National Railways (PNR) na kanila pa rin ipagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga vaccinated Authorized Persons Outside Residence (APOR) subalit sa mga piling oras na lamang.

Sinabi ni Department of Transporation (DOTr) Secretary Art Tugade sa limitadong pagpapatuloy ng Free Rides for Vaccinated APORs Program, vaccinated APORs ay maari pa rin sumakay sa LRT2 at PNP trains sa off-peak hours.

Habang ang libreng sakay para sa mga APORs sa MRT-3 trains sa panahon ng peak hours.

Nilinaw naman ni Sec. Tugade na ang Free Rides for Vaccinated APORs Program ay ipatutupad lamang sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila simula kahapon August 22 at magtatapos sa Aug. 31.

Mahigpit naman pinaalalahanan ng kalihim ang mga APORs na istriktong sundin at obserbahan ang physical distancing at iba pang health protocols.

The post ‘Libreng sakay ng LRT2, MRT-3 at PNR sa mga vaccinated APORS sa piling oras nalang’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Libreng sakay ng LRT2, MRT-3 at PNR sa mga vaccinated APORS sa piling oras nalang’ ‘Libreng sakay ng LRT2, MRT-3 at PNR sa mga vaccinated APORS sa piling oras nalang’ Reviewed by misfitgympal on Agosto 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.