MALABO pang makamit sa Setyembre ang herd immunity sa Pilipinas.
Ayon kay Prof. Jomar Rabajante, tagapagsalita ng COVID-19 Pandemic Response Team ng University of the Philippines, nasa 11 hanggang 12% pa lamang ang mga fully vaccinated sa Pilipinas o yung mga nakakumpleto na ng bakuna.
Pabor naman si Rabajante na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga highly urbanized area o yung mga matataong lugar tulad ng Metro Manila. Pero aniya malabo na mabakunahan ang 100% porsyento ng mga mamamayan sa bansa dahil hindi pa pwedeng maturukan ang mga kabataan.
Samantala posibleng sa susunod na taon ay masimulan na ng Pilipinas ang paggawa ng sarili nitong bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesman Restituto Padilla, ilang vaccine manufacturer na ang nakikipagnegosasyon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ukol sa planong pagtatayo ng local vaccine manufacturing hubs sa bansa.
Tumanggi naman si Padilla na sabihin ang brand ng bakuna dahil sa umiiral na non-disclosure agreement.
Ikinokonsiderang itayo ang manufacturing warehouses malapit sa mga paliparan para madaling maibiyahe ang mga bakuna sa iba’t ibang rehiyon sa bansa
Sa sandaling matapos, sinabi ni Padilla na makakatulong ito para mapabilis ang vaccine rollout dahil hindi na aasa pa ang Pilipinas sa mga bakunang ipinadadala ng mga manufacturer mula sa ibang bansa.
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Herd immunity malabo pang makamit? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: