NAISIWALAT ni Datu Lito Omos ng Mangpaungan Indigenous Tribe ng Davao del Norte ang kabuktutan at pananamantala ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Dmocratic Front (CPP-NPA-NDF) gamit ang kanyang tribu para lamang makapangloko ng mga banyagang hinihingan nila ng tulong para magkapondo.
Ang kwento ni Datu Lito, matapos kulapulin ng CPP-NPA-NDF ang kanilang tribu ipinagtatag siya ng mga ito ng Lumad Mindanaw at ginawang kinatawan ng Indigenous People (IP) ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), upang iprisenta ang mga “recycled projects” proposal” sa mga ahensiya,morganisasyon o indibidwal na mga “donors” sa abroad.
Ito raw ay isang pamamaraan upang magkamal ng malalaking pondo ang teroristang-komunistang samahan na kanyang nasamahan at ngayon kanya nang tnalikuran upang sumama na sa programa ng pamahalaan.
Sa paglalahad ni Datu Lito, matapos mabigyan ng mga donasyon ng mga banyagang nauto, wala namang napupunta sa kanilang mga tribu o sa iba pang mga katutubong ginamit ng CPP-NPA-NDF, sapagkat ang pondo pala ay dinedirekta sa mga namumuno ng samahan gaya nila Joma Sison na nasa iba ring bansa at nagtatago.
Hindi naman siya maaring magreklamo dahil siya ay papatayin tulad ng mga ginawa sa ibang IP lider na tumututol sa mga gustong ipagawa ng CPP-NPA-NDF.
Taong 1987 aniya ay napunta pa siya sa Geneva, Switzerland kasama pa si Fr. Eduado Slang na kumakatawan naman sa Cordillera People’s Alliance upang pareho silang makadalo at magsalita sa 5th Session ng United Nations (UN) Conference of Indigenous Peoples. Matapos yun ay inikot pa nila ang Europe upang makakalap ng donasyon.
Nangyari naman lahat at malaking pera ang pumasok, ngunit walang napunta sa kanyang tribu na inutusan pang gumawa ng report para mapatunayang nagamit ang mga donasyon ng kanilang tribu.
Sa naranasan at nang makita ang tunay na programa na ngayon ay isinusulong ng Duterte Administraion, kumalas na si Datu Lito sa kamay ng teroristang-komunista at nangakong tutulong upang lipulin ang mga ito.
Hindi lamang si Datu Lito ang naliwanagan na sa mga maling gawain ng CPP-NPA-NDF, marami pang iba, na nagsisuko na rin matapos maranasan na sila lamang pala ang naghihirap sa pakikibaka at pakikipaglaban upang agawin ang pamahalaan, samantalang ang mga lider nila ay marangyang nabubuhay sa ibang bansa at ginagastusan pa ng pondo ng samahang nali naman ang idolohiyang sinusulong.
Pasasaan ba at matitigil din yang pangloloko niyo sa ating mga IP.
The post Pangloloko sa ating mga IPs appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: