![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/balanse.jpg)
PATAPOS ang Agosto, o tinawag na “ghost month,” o buwan ng mga multo. Patuloy ang iba’t-ibang lapian politikal at grupo sa pagbuo ng tiket at alyansa para sa halalang pampanguluhan sa 2022. Nililinaw nila ang kanilang mga ihaharap sa sambayanan sa halalan. Tahimik silang nag-uusap upang mabuo ang anuman plano at ihaharap sa bayan.
Sa grupo ng Davao City, hindi malinaw kung sino ang ihaharap. Patuloy ang tunggalian ni Sara Duterte na nangunguna sa mga survey at Bong Go na sinabing kulelat. Iginigiit ni Rodrigo Duterte si Bong Go na maging kandidato ng PDP-Laban. Si Sara ang ipinipilit ng Hugpong ng Pagkakaisa. May mga balitang hindi nagkakasundo ang mag-ama.
May mga balita na may nabuong alyansa si Sara sa mga maliit na lapian – Lakas NUCD ni GMA, People’s Reforms Party ni Narsing Santiago, at Nacionalista Party ng mga Villar. Walang mga tao ang mga lapian na iyan at nabubuhay lang sa panahon ng halalan. Kaya huwag magtaka, kung dalawa ang kandidato ng Grupong Davao sa pangulo sa 2022.
***
MARAMING personalidad ang nag-aambisyon na tumakbo sa maging senador, kongresista, at kahit konsehal sa kani-kanilang siyudad at bayan. Karapatan nila na humarap sa bayan. Ngunit kailangan malaman at maintindihan nila ang trabaho ng isang mambabatas. Hindi ito timpalak sa kagandahan. Post namin sa social media ang sanaysay matapos aminin ni Bato dela Rosa na hindi niya alam ang trabaho ng isang mambabatas. Pakibasa:
PARA SA KAALAMAN NI BATO
NARITO ang mga gawain ng isang mambabatas: Inaasahan ang bawat mambabatas – kongresista o senador – na gagawin ang tatlong pangunahing tungkulin:
Lawmaking, o paggawa ng batas: Nagpanukala ang isang mambabatas ng mga pambansang polisiya at pagsusumite ng mga panukalang batas (bills) at resolusyon; sumasali sa deliberasyon ng Kamara de Representante o Senado at nagbibigay ng mga input sa ginagawang batas; at bumoto kung sang-ayon o hindi sa pinapanday na batas at resolusyon. Maaari siyang tumayong oposisyon o taga suporta ng kasalukuyang administrasyon, ngunit pinakamahalaga na nababatay sa Saligang Batas at konsensya ang anumang paninindigan sa ginagawang batas.
Advocacy, o pagtataguyod ng mga simulain: Nagsasalita siya ng anumang simulain, paninindigan, o causa sa Kongreso. Ipinaliwanag niya sa sambayanan ang anumang itinaguyod niya na ayon sa dikta ng kanyang konsensya. Hindi madali ito sapagkat kailangan ang pag-aaral sa anumang itinataguyod. Dito nakasalalay ang bawat simulain o paninindigan sa pagtanggap ng publiko. Hindi ang kapwa niya mambabatas ang kausap sa itinataguyod niyang simulain o paniniwala. Buong mundo ang kausap niya.
Constituency relations, o pakikipagkapwa tao sa mga nasasakupan: Marapat lamang sa bawat mambabatas na kausapin ang mga nasasakupan, o constituency, upang alamin ang pangangailangan sa public policy, polisiya ng buong bansa. Kasama rin a constituency relations ang pagkuha ng boto sa bawat halalan. Kaya iniintindi o sineseryoso ng bawat mambabatas ang KBL – kasal, binyag, libing; at TBO – trabaho, bisa, at ospital. Kasama rin ang EBAK – edukasyon (scholarship), biyahe, aksyon sa problemang pinansyal; at kalusugan (nagbibigay ng gamot, bakuna, at pang-dialysis). Ano pa?
***
USAP-USAPAN ang huling laban ni Manny Pacquiao kung saan natalo siya sa isang Cubano na boksingero, ang kampeon na si Yordenis Ugas. Hindi namin ito pinanood kaya hindi namin alam ang takbo ng laban. Hindi kami interesado. Sa amin, dapat na magretiro si Pacquiao at ituon ang kanyang atensyon sa serbisyo publiko. Nakamit na niya ang lahat at tumanda na rin siya. Hindi na kaya ng kanyang katawan ang lupit ng boksing.
Hindi kami naniniwala na may masamang epekto ang kanyang pagkatalo sa kanyang political career. Kung gusto siyang ihalal ng sambayanan sa susunod na halalan, mananalo siya. Marami pang mangyayari kaya hindi boksing ang magdidikta ng kanyang kapalaran sa 2022. Teke nga pala, mukhang tatakbo si Mane sa 2022. Presidente ba?
***
Maski noong 2018, napansin na namin si Hidilyn Diaz. Nanalo siya ng gintong medalya sa weightlifting pero ang nakakagulat ay marunong siyang mag-ayos ng katawan kahit nakikipagtunggali siya sa kanyang palakasan. Post namin ito noong nanalo siya:
“I saw the TV video clip of Hidilyn Diaz winning the gold medal in Asian Games, while taking my beer in a sports bar last night. I noticed that even at the height of competition, i.e. when she lifted the weights, Hidilyn Diaz wore thick red lipstick. She looked very feminine in a sport that has been made famous and dominated by strong, muscular, and even bulky men. She looked absolutely nice with that thick red lipstick. It matched her sweet countenance and glistening brown skin. Of course, she looked much nicer, when she received the gold medal at the Asian Games. You’re many times nicer and lovable than those beauty queens, Hidilyn. Thank you for bringing honor to a country torn asunder by high prices, fumbling and thieving public officials, and a now-you-see, now-you-don’t president. Thank you for giving us the break. Mabuhay.”
***
MINSAN may nagtanong sa amin kung nakakatulong sa kapalaran ng mga politiko ang maagap na pagbibigay ng bakuna kontra Covid-19 sa kanilang nasasakupan. Hindi, ang aming tugon. Hindi kami naniniwala sapagkat alam ng kanilang nasasakupan na trabaho ng mga halal ng bayan na tumutulong na maibigay ang mga bakuna.
Bahagi ang pagbibigay ng bakuna sa trabaho ng mga halal ng bayan. Ngunit huwag pasisiguro sapagkat natatandaan ng mga nasasakupan ang mga politiko na hindi kumilos sa gitna ng matinding pangangailangan sa bakuna. Alam ng bayan ang mga hindi tumulong.
***
QUOTE UNQUOTE: “Agreeing with Imee’s suggestion ‘to move on’ despite his parents’ plunder of the national coffers is like marrying your rapist.” – PL, netizen
“MAS pinag-usapan si Mark Magsayo kesa kay Mane Pacquiao. Iba pa rin ang panalo. Iyong kay Mane, puro pampalubag loob lang.” – PL, netizen
“Stop saying na ang laban ni Pakyaw ay para sa bayan. Sa Las Vegas siya lalaban at hindi sa Olympics. Hindi nga nagbabayad ng tamang buwis tapos para sa bayan? Weh. Lumalaban siya para sa pera!!!” – Sid Manila, netizen
***
PALITAN: “I drove and used Skyway from Alabang to NLEX and back. I felt the name Skyway was very apt for the unhindered elevated majestic ribbon of a highway connecting South to North. It was a ‘sky way to heaven.’ Noynoy made sure Filipinos are going to be taken care of for decades.” – OC Palanca, netizen
BA IPE: We’ve paid a dear price for that Skyway. When it was being constructed, so many people got mad at the PNoy administration. We suffered enormous traffic jams. Many commuters experienced four hours of travel time – two hours going to work and another two hours going home. Who would like those sacrifices? The adverse effects were disastrous. Aside from lost man-hours, many commuters lost their cool too. They turned to a presidential candidate in 2016 without knowing he is plain and simple a madman. Out of the ‘barumbado votes” come the madman with his public promise to solve everything and anything of consequence in three to six months. Naduterte tayo.
The post Posisyunan sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: