![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/08/maynilad.jpg)
WALA parin magaganap na putulan ng koneksyon ng tubig sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ayon sa Maynilad at Manila Water.
Ipinag-utos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office sa Maynilad at Manila Water na palawigin ang “no disconnection policy” hangga’t nakataas pa rin ang naturang quarantine status sa Kamaynilaan.
Pahayag ng Manila Water, susunod sila sa utos ng MWSS pero asahan pa rin ng mga kostumer na magpapatuloy ang pagbabasa ng metro at paglabas ng babayaran.
Magi-issue rin umano muna ang Manila Water ng notice of disconnection pagpatak ng Setyembre at pinayuhan ang mga kostumer na makipag-ugnayan sa kanilang mga opisina para mapagkasunduan at mga remedyo sa pagbayad.
Sa Setyembre 1 din umano magi-issue ng notice of disconnection ang Maynilad at magbibigay ng palugit sa mga may balanse nang 2 buwan o higit bago putulan ng serbisyo.
“Mayroon pa po silang 2 linggo o 14 na araw para makapagbigay ng sapat na panahon para magbayad saka pa lang po natin i-execute ang disconnection,” sabi ni Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo.
The post Maynilad, Manila Water wala parin disconnection sa MECQ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: