Facebook

“Papogi” ng DOH pinagkakagastusan: responsibilidad waley!

NAPAPAMURA at halos maiyak ang ilang dumanas ng ADVERSE EFFECT mula sa COVID VACCINES na ang ilan ay nangamatay pa matapos makakumpleto ng pagpapabakuna ay walang asiste ang gobyerno sa naging pagpapagamot ng mga ito.., subalit, ang “PAPOGI” ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) para maengganyo ang lahat na magpabakuna ay pinagkakagastusan para sa television commercials.

Papaanong hinde manggalaite sa pagkagalit ang mga dumanas ng adverse effect tulad sa pagkakabaldado ng katawan e ipinangalandakan ng gobyerno nitong buwan ng February ngayong taon ang pagkakalikha ng COVID-19 NATIONAL VACCINE INDEMNITY FUND.., ay laang pantustos sa sinumang tao na sasailalim sa COVID-19 VACCINATION PROGRAM sakaling may mamatay o dadanas ng permanent disability o kaya ay maratay sa ospital dahil sa matinding adverse effect.

Ang kaso, mula nang ilunsad ang COVID VACCINATION ay puro turok na lamang ang ginawa kahit walang pag-alam sa medical history ng magpapabakuna.., kaya may mga namamatay at naoospital matapos ang kanilang 2nd dose at yung PRESS RELEASE ng gobyerno na sagot nila ang pagpapagamot sa mga nabakunahan ay WALEY MAGPAHANGGANG NGAYON… NASAAN ANG INDEMNITY FUND?

Mga ka-ARYA, ang pagkakalikha ng COVID-19 VACCINATION PROGRAM ACT OF 2021 ay mula sa panukala nina HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III at NATIONAL TASK FORCE AGAINST COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR , na ito ay naging ganap na batas noong Februray 26, 2021 nang lagdaan ni PRES. RODRIGO DUTERTE. Sa halip na ang mga COVID MANUFACTURER ang managot sakaling may dumanas ng masamang epekto ay kargo na ito ng gobyerno.., kaya nilaanan ng pondong kalahating bilyong piso para magamit sa mga dadanas ng masamang epekto mula sa pagkakabakuna.., pero, nasaan ang INDEMNITY FUND?

Ang magbebenipisyo ng INDEMNITY FUND ay yaong mga ahensiya na kumuha lamang ng COVID VACCINES mula sa NATIONAL GOVERNMENT…, pero, ang mga ahensiyang rumekta ng pagbili sa mga vaccine manufacturer ay hinde sakop ng INDEMNITY FUND.., yun nga lang hanggang sa ngayon SEC. DUQUE e…, NASAAN ANG INDEMNITY FUND?

Dahil sa kakaunti lamang ang boluntaryong nagpapabakuna at siyempre pa, epekto ito sa naging kawalang-ingat na paglulunsad noong taong 2016 na DENGVAXIA VACCINATIONS sa mga batang mag-aaral na kesehodang walang parental consent at hinde sinunod ang prescription ng SANOFI na manufacturer ng DENGVAXIA ay pinagbabakunahan kahit hinde pa nagka-dengue. Resulta, nagka-letse-letse…, dumanas ng mala-tortyur na kamatayan ang maraming mga bata; na kahit nitong taon ay may mga namamatay dahil sa epekto ng DENGVAXIA.

Sa ngayon ay nahaharap na sa iba’t ibang kaso ang DENGVAXIA IMPLEMENTORS.., subalit mapamaraan pa rin ang mga nasasangkot dahil sa kabila na may kautusan ang SUPREME COURT na ang lahat ng DENGVAXIA CASES ay ang FAMILY COURT sa QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT ang manghahawak ay kung saan-saan pa rin inihahain ng tila mga “kasapakat” para mabinbin at mapagtagal ang ang mga kaso pabor sa mga nasasangkot na pinangungunahan nina dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN at si HEALTH SEC. DUQUE III.

Tanging pag-asa ngayon ng 165 DENGVAXIA COMPLAINANTS ay ang PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) sa pangunguna ni CHIEF PERSIDA ACOSTA na huwag maaapektuhan ng “PRESSURE” mula sa maiimpluwensiyang koneksiyon ng mga nasasangkot.

Ang mga ganitong pangyayari ang hinde dapat maulit na kapabayaan ng mga GOVERNMENT OFFICIAL.., kaso nararamdaman na naman ang kapabayaan ng GOVERNMENT OFFICIALS dahil hinde tinutulungan sa pagpapagamot o pagpapaospital ang mga dumadanas ng ADVERSE EFFECT…, PAGING PRES. DUTERTE …, NASAAN ANG INDEMNITY FUND? Baka naman kaya sa halip na pantulong sa mga dadanas ng masamang epekto ay ipinanggagastos na sa paggawa ng mga COMMERCIALS para marami pang tao ang magpabakuna at kapag naospital ang mga naturukan ay idedeklarang may COVID ang mga ito para malaking halaga ng pera ang masingil sa PHILHEALTH?

Susme.., bakit nga ba walang umuungkat kung NASAAN ANG COVID-19 NATIONAL VACCINE INDEMNITY FUND gayong may naoospital at namamatay na matapos makakumpleto ng pagpapabakuna?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post “Papogi” ng DOH pinagkakagastusan: responsibilidad waley! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Papogi” ng DOH pinagkakagastusan: responsibilidad waley! “Papogi” ng DOH pinagkakagastusan: responsibilidad waley! Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.