Facebook

2 kapitan nakaupo sa isang barangay sa Pangasinan

NAGDUDULOT ng kalituhan at naiipit ang mga residente dahil sa pagkakaroon nila ng dalawang nakaupong punong barangay sa isang barangay sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat, nagsisilbing parehong OIC chairman sa Barangay Poblacion sina first kagawad Federico Eric Limon II at second kagawad Vincent Sarsaba.

Naging OIC ang dalawa nang masuspinde ang talagang punong barangay nila na si Melinda Morillo.

Matapos masuspindi si Morillo, itinalaga ng Sangguniang Bayan bilang OIC ng barangay si Limon.

Pero gumawa ng resolusyon ang mga kagawad ng barangay kasama ang SK chairman na nakasaad na hindi nila kinikilala si Limon bilang OIC, at itinalaga nilang OIC si Sarsaba.

Sa ilang dokumento ng barangay, dalawa ang nakapirmang OIC.

Ang mga residente tulad ni “George” aminadong apektado sila sa sitwasyon sa kanilang barangay.

“Apektado kami siyempre kasi hindi namin alam kung sino ang kakausapin. Problema ngayon katulad nung mga pangongolekta ng basura, minsan nilalabas naming basura dyan hindi nakokolekta,” ani George.

Sinabi ng ilang barangay kagawad na hindi kayang gampanan ni Limon ang kaniyang tungkulin.

Hindi rin daw pinipirmahan ni Limon ang mga nag-aaply ng barangay business clearance permit.

Pero ayon kay Limon, ilegal ang paniningil ng business permit na may mataas na bayad.

Iyon daw ang dahilan kaya natanggal ang dati nilang punong barangay.

Sinabi naman ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mangaldan, na ilegal ang ginawang pagtatalaga kay Sarsaba.

“Mag-file sila sa Sangguniang Bayan o sa Ombudsman. Hindi yung basta-basta nilang tinanggal yung OIC through barangay resolution. Ang binibigyan lang ng karapatan para magtanggal ng isang elected official, korte lang,” ayon kay Rosemarie Soriano, Mangaldan Municipal DILG Officer.

The post 2 kapitan nakaupo sa isang barangay sa Pangasinan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 kapitan nakaupo sa isang barangay sa Pangasinan 2 kapitan nakaupo sa isang barangay sa Pangasinan Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.