Facebook

Pangulo na totoong may malasakit sa mga manggagawa ang kailangan

MARAMING pulitiko ang may interes na tumakbong pangulo sa halalan sa susunod na taon.

Lahat sila ay masasabing oposiayon dahil makakalaban nila ang magiging pambato ng administrasyong Duterte, maliban kina Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pokaragat na ‘yan!

Huwag muna nating isali si Senador Christopher a”Bong” Go dahil paulit-ulit namang idinidiin sa media na hindi siya tatakbong presidente preidente ng Pilipinas.

Sa mga lantarang gumagawa ng kung anu-anong hakbang upang mabatid ng publiko na hangad nilang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, wala sa kanila ang tukoy na makamanggagawa.

Wala sa kanila ang totoong mayroong malasakit sa mga manggagawa.

Kahit si Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo ba siyang kinikilalang lider ng Liberal Party (LP) ay walang “accomplishment” sa manggagawa.

Pokaragat na ‘yan!

Kahit kailan, wala sa mga “presidentiable” ang mayroong nagawang magandang rekord para sa manggagawa.

Napakahalaga na mayroong malasakit sa mga manggagawa ang susunod pangulo ng Pilipinas.

Kahit ang kanyang bise – presidente ay dapat makamanggagawa rin.

Hindi iyong hanggang salita lamang makamanggagawa.

Hindi lang sa panahon ng kampanya, kundi mula unang araw hanggang huling araw ng kanyang termino ay dapat makamanggagawa.

Kung tutuusin, pati mga taong nakapalibot sa kanya ay makamanggagagawa.

Hindi iyong sagad-saring kontra-manggagawa kung mag-isip at kumilos.

Kaya, nararapat lamang na kumilos ang mga organisasyon at unyon ng mga manggagawa upang magkaroon ng sariling kandidato ang uring manggagawa para sa susunod pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

The post Pangulo na totoong may malasakit sa mga manggagawa ang kailangan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pangulo na totoong may malasakit sa mga manggagawa ang kailangan Pangulo na totoong may malasakit sa mga manggagawa ang kailangan Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.