Facebook

GO: PRRD TATAKBONG VP, KAHIT WALANG ‘ULO’

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na maaaring tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapangalawang pangulo ng bansa sa darating na halalan kahit wala siyang “ulo” o running mate na presidente.

“Yan sa ngayon, sa pagkakaalam ko po, wala. Pwede po siyang tumakbo bilang isang Bise Presidente na walang ulo. Ibig sabihin, magiging free for all ang kanyang ulo. So desisyon po iyon ng ating mahal na Pangulong Duterte as of today, na tatakbo po siya bilang Bise Presidente,” ang sabi ni Go.

Idiniin ni Go na kung itutuloy-tuloy ng Pangulo ang pagtakbong vice president, ay susuportahan niya ang Chief Executive.

Sinabi rin niyang susuportahan din ang presidential candidate na magpapatuloy sa progresong sinimulan ng kasalukuyang administrasyon.

“So ngayon naman po, ako, bilang isang senador ay handa po akong sumuporta and, of course, sa ating mahal na Pangulong Duterte kung ano pong magiging desisyon niya, kung tatakbo po siyang Bise Presidente.”

“At sa Presidente naman po kung sino ‘yung makapagpapatuloy ng kanyang inumpisahang pagbabago, lalong-lalo na po ang kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, laban sa kriminalidad at laban sa iligal na droga, at dagdagan ninyo pa po ‘yung gobyernong nagmamalasakit sa kapwa Pilipino,” ayon kay Go.

Kaugnay nito, muling idiniin ni Go ang kanyang desisyon na hindi sasabak sa pagkapresidente sa May 2022 national and local elections, sa kabila ng pang-uudyok pa rin sa kanya ng mga kapartido.

Pinasalamatan niya ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya nang siya ang iendorso ng National Executive Committee bilang running mate ni President Duterte.

Ani Go, kontento na siya sa pagiging senador ng bayan.

“Napakalaking bagay po ‘yung endorsement na ‘yun mula po sa mga kapwa miyembro ko po sa PDP. It’s a great personal honor for me. But, as much as I wish to respond to the clamor of many of my party mates, I most respectfully decline the said endorsement,” ani Go.

Ayon kay PDP-Laban president Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa sa senador sa pagsasabing si Go ang nakikita nilang “best candidate” para makatambal ni Pangulong Duterte.

“The two of them are the best pair to lead our country forward,” ayon kay Cusi.

The post GO: PRRD TATAKBONG VP, KAHIT WALANG ‘ULO’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GO: PRRD TATAKBONG VP, KAHIT WALANG ‘ULO’ GO: PRRD TATAKBONG VP, KAHIT WALANG ‘ULO’ Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.